CAVITE – Tinutugis ng mga awtoridad ang anim na kalalakihan kabilang ang dalawang security guard ng isang kilalang supermarket, na nagsilbing look-out, makaraang sirain ang isang GCash machine na nasa loob nito at tinangay ang lamang pera, matapos dumaan sa hinukay na lagusan sa Imus City noong Lunes ng umaga. Kinilala ang dalawang suspek na umano’y security guard ng isang supermarket, na sina alyas “Jessie”, ng Bulilan, Maguindanao, at “Ramon”, ng Brgy. Navarro, Gen. Trias City, Cavite, kasama ang apat pang indibidwal. Ayon sa ulat, dakong alas-6:00 ng umaga noong…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
LALAKI BINARIL NG BAYAW, PATAY
BATANGAS – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng kanyang bayaw sa Barangay Nagsaulay, bayan ng San Juan sa lalawigan noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si Guillermo Dimaculangan, 69, residente ng Barangay Nagsaulay, habang ang suspek ay ang kanyang bayaw na si “Sireneo”, 69, residente ng Barangay Bulsa sa nasabing bayan. Ayon sa ulat, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga noong Linggo nang magselos ang suspek sa biktima dahil sa umano’y pang-aakit sa kanyang misis. Humantong ito sa pamamaril ng suspek sa biktima habang naglalakad sa kalsada…
Read MoreLALAKI TINARAKAN SA PIYESTAHAN
QUEZON – Nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang lalaking namiyesta sa Brgy. Liwayway sa bayan ng Mauban sa lalawigan makaraang tarakan ng itak ng isang tagaroon. Ayon sa report ng Mauban Police, kinilala ang biktimang sa pangalang “Bryan”, 34, isang magsasaka at residente ng Brgy. Alitap sa nabanggit na bayan. Nangyari ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw nitong Lunes habang papasakay na ang biktima sa kanyang motorsiklo para umuwi. Bigla na lamang umanong sumulpot mula sa likod ang suspek na kinilala sa pangalang “Ald”,…
Read MoreBATA NAHAGIP NG KIDLAT SA LAGUNA
LAGUNA – Sugatan ang isang bata matapos na mahagip ng kidlat habang naliligo sa isang ilog sa bayan ng Nagcarlan sa lalawigan noong Linggo. Kinilala ang biktimang si Jake Saloma, residente ng Barangay Santa Lucia. Ayon sa isang nakasaksi, masama ang panahon sa lugar nang gumuhit ang matalim na kidlat na tumama sa malaking puno kung saan nasa ilalim nito ang mga batang naliligo bandang alas-2:45 ng hapon. Napag-alaman na ang biktima ay naglalambitin sa lubid na nakatali sa puno na tinamaan ng kidlat. Gumapang ang boltahe ng kidlat patungo…
Read MoreNaglilinis ng baril ARMY RESERVIST NAPUTUKAN SA MUKHA
CAVITE – Naka-hospital arrest ang isang 29-anyos na Army Reservist makaraang naputukan sa mukha habang nililinis ang kanyang baril sa kanilang kuwarto sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Pagamutan ng Dasmariñas si Joseph Gatmaitan y Mauricio, ng Barangay Sampaloc 4, Dasmariñas City dahil sa sugat sa kanyang mukha. Si Gatmaitan ay sinampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act. Ayon kay “Christine”, 22, girlfriend ni Gatmaitan, nililinis ng biktima ang kanyang baril sa kuwarto ng kanilang bahay sa Brgy.…
Read MoreKAPOTE PUMULUPOT SA GULONG, RIDER PATAY
ANTIPOLO CITY – Pumulupot sa gulong ang suot na kapote ng isang motorcycle driver na nagresulta sa aksidente na ikinamatay nito sa Sitio Kapatagan, Brgy. San Jose sa lungsod noong Biyernes ng umaga. Ayon sa report, kinilala ang biktimang si Jenney “Junior” Herona Jr., residente ng Baras, Rizal at nagdedeliver ng fresh chicken nang mangyari ang aksidente. Sa inisyal na imbestigasyon, sakay ng Suzuki Raider 110cc motorcycle ang 22-anyos na biktima bandang alas-6:05 noong Biyernes ng umaga at patungo sa Marcos Highway. Habang dumaraan sa kahabaan ng Kapatagan Road si…
Read MorePONDO SA PROYEKTO KINUPITAN NG OPISYAL?
NAKAKAHIYA! Isang mataas na opisyal ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang nasangkot umano sa eskandalo matapos akusahan ng paglustay ng malaking bahagi ng pondo para sa isang proyekto. Ayon sa impormasyon, pinadaan pa raw sa isang lokal na opisyal ang halagang ₱150 milyon na nakalaan sana para sa pagtatayo ng isang gusali. Ngunit imbes na maibuhos sa proyekto, ₱100 milyon dito ang diumano’y napunta sa kampanya ng kapatid ng naturang opisyal — na kalaunan ay nanalo pa sa puwesto. Samantala, ₱50 milyon lang ang natira para sa…
Read MoreBUNTIS, ESTUDYANTE PATAY SA LANDSLIDE
DALAWA ang iniulat na nasawi kabilang ang isang 18-anyos na buntis, sa magkahiwalay na landslide sa Benguet at bayan ng Tabuk sa hilagang Luzon. Ayon sa ulat na ipinarating sa local Office of Civil Defense, kabilang ang disi-otso anyos na buntis sa namatay nang matabunan ng gumuhong lupa at malalaking bato ang isang bahay sa bayan ng Mankayan sa Benguet noong Miyerkoles ng hapon. Kinilala ang biktimang si Ivy Khate Ogues Dizon, naninirahan sa Sitio Lower Lip-atan sa Barangay Guinaoang, walong buwang buntis, natabunan ng gumuhong riprap wall sa likod…
Read MoreDRUG DEN SINALAKAY NG PDEA, 3 HULI
BATAAN – Arestado ang tatlo katao sa sinalakay na hinihinalang drug den at nakumpiska ang tinatayang P68,000 halaga ng umano’y shabu sa Barangay Pantalan Luma, sa bayan ng Orani. Ang operasyon ay isinagawa noong Miyerkoles ng gabi ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office. Kinilala ng hepe ng PDEA Bataan ang mga suspek na sina alyas “Dungo”, 47; sinasabing operator ng drug den; “Hary”, 45; at “Rence”, 48-anyos. Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa mga suspek ng anim na plastic sachet na naglalaman ng tinatayang…
Read More