CAVITE – Imbes na police clearance, warrant of arrest ang natanggap ng dalawang lalaki matapos nabuking na may nakabinbin silang kaso sa magkahiwalay na insidente sa Silang at Lungsod ng Dasmariñas sa lalawigan noong Lunes ng hapon. Nangangailangan ng halagang P60,000 piyansa si alyas “Calabon” ng Silang, Cavite habang halagang P24,000 piyansa naman ang kinakailangan ni alyas “John”, ng Dasmariñas City para sa kanilang pansamantalang paglaya matapos silang arestuhin. Ayon sa ulat, bandang alas-2:30 ng hapon nang mag-apply ng police clearance si Calabon sa Silang Municipal Police Station sa Poblacion…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BABAE ITINUMBA SA HARAP NG ANAK
CAVITE – Tinutugis ng pulisya ang riding in tandem na hinihinalang gun-for-hire, na bumaril at nakapatay sa isang babae sa harap ng anak nito sa Imus City noong Sabado ng gabi. Namatay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “May”, 44, dahil sa tama ng bala sa ulo. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek na magkaangkas sa isang motorsiklo na tumakas sa ‘di nabatid na direksyon. Ayon sa ulat, bandang alas-6:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa isang subdibisyon sa Brgy. Malagasang I-G, Imus City, Cavite kung…
Read More23 KATAO NASAGIP SA LUMUBOG NA BANGKA
NASAGIP ng Philippine Coast Guard ang 23 katao matapos lumubog ang isang recreational boat sa karagatang malapit sa Sombrero Island, San Pascual, Masbate. Ayon sa PCG, nagkaroon ng butas ang hull ng RBCA Harlyn habang bumibiyahe mula Port of San Andres, Quezon. Agad na nagsagawa ng rescue operation ang Coast Guard at ligtas na nailipat ang 20 pasahero at tatlong tripulante, siyam sa kanila ay bahagyang nagalusan at nasa maayos nang kalagayan. (NILOU DEL CARMEN) 181
Read MoreJEEPNEY DRIVER SUGATAN SA ROAD RAGE SA LAGUNA
LAGUNA – Sugatan ang isang jeepney driver matapos pagsasaksakin ng dalawang lalaking sakay ng isang van sa kasagsagan ng umano’y road rage sa national highway sa Barangay Sambat Bubukal, sa bayan ng Sta. Cruz sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Ayon sa ulat ng Sta. Cruz Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi matapos magkasabitan sa kalsada ang pampasaherong jeep ng biktima at isang brand new na puting L300 van, na nauwi sa mainitang sagutan. Kalaunan, humantong ito sa away kung saan pinagtulungang saksakin ng dalawang suspek…
Read More2 ESTUDYANTE NALUNOD SA WAWA DAM
RIZAL – Dalawang menor de edad na estudyante ang malunod sa Wawa Dam sa Barangay San Rafael, sa bayan ng Rodriguez sa lalawigan noong Sabado, Enero 3. Ayon sa Rodriguez Municipal Police Station, bandang alas-8:20 ng umaga nang i-report ang pagkawala ng dalawang biktima na isang 16-taong gulang na Grade 11 student, at isang 15-taong gulang na Grade 10 student. Agad nagresponde ang mga pulis sa lugar at nagsagawa ng search and rescue operation katuwang ang mga residente sa lugar, hanggang sa marekober ang wala nang buhay na mga biktima.…
Read MoreTRADER BINARIL SA AWAYAN SA LUPA
CAVITE – Sugatan ang isang negosyante makaraang barilin ng kaanak dahil sa awayan sa lupa sa bayan ng Silang sa lalawigan noong Biyernes ng gabi. Unang isinugod sa Saint Mazenod Hospital saka inilipat sa Gen. Emilio Aguinaldo Hospital ang biktimang si alyas “Roy”, isang negosyante, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite, dahil sa tama ng bala sa katawan. Kinilala naman ang suspek na si alyas “Aljon”, 33, ng Brgy. Ipil 2, Silang, Cavite. Ayon sa ulat, naninigarilyo ang biktima sa harapan ng isang sari-sari store sa Brgy. Ipil 1 bandang…
Read MoreBAGONG TV SA SIMBAHAN, BINITBIT NG 3 AKYAT-BAHAY
CAVITE – Swak sa kulungan ang tatlong hinihinalang akyat-bahay makaraang bitbitin ang isang bagong 43-inches na television na ginagamit sa isang simbahan sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng gabi. Hawak na ng pulisya ang mga suspek na sina alyas “Badong”, binata, isang out of school youth, ng Brgy. Julugan 8, “Mark”, 25, tricycle driver, ng Brgy. Amaya, at “Marco”, 22, ng Brgy. Daang Amaya, pawang ng Tanza, Cavite, dahil sa reklamo ni alyas “Rosette”, 32, board leader ng Christian World Ministries Tanza Chapter. Ayon sa ulat, bandang…
Read MoreNEGOSYANTE NAPUTUKAN SA YAGBOLS NG SARILING BARIL
BATANGAS – Matinding kamalasan ang sinapit ng isang negosyante nang maputukan ng sariling baril ang kanyang ari habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan sa Brgy. Lucsuhin, sa bayan ng Calatagan sa lalawigan noong Sabado. Ayon sa Calatagan Municipal Police Station, bandang alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang insidente sa bahay ng biktima. Batay sa salaysay ng 54-anyos na biktimang kinilalang si “Emil”, nakasukbit sa kanyang baywang ang isang converted improvised caliber .22 handgun nang ito ay biglang pumutok at tinamaan siya sa kanyang ari. Isinugod ang biktima sa Calatagan Medicare Center…
Read More‘AMASONA’ NG NPA TIMBOG SA CIDG
INARESTO ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang itinuturing na “Amasona” ng New People’s Army (NPA). Kinilala ang suspek na si alyas “Jai”, 26-anyos, at residente ng Purok 1, Brgy. Parmbugas, Claveria, Misamis Oriental. Ayon kay CIDG Director, PMGen. Robert Morico II, naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng CIDG sa Brgy. Bancasi, Butuan City, Agusan del Norte. Si Jai ay miyembro ng Medical Unit ng Sandatahang Digma Group Samsung, Guerrilla Front Huawei, Sub-Regional Committee 1 (SR-1), North Central Mindanao Regional Committee (NCMRC) ng NPA.…
Read More