MISTULANG nakikipaghabulan kay kamatayan ang iba’t ibang rescue teams sa patuloy na search, rescue and retrieval (SAR) operation sa gumuhong tambakan ng basura sa Barangay Binaliw, Cebu City, sa pangambang tuluyang malibing ang 28 pang sanitation workers. Dahil dito, sumabak na rin ang Philippine Navy, na nagpadala ng sarili nitong SAR team sa lugar. Ayon sa mga awtoridad, walo na ang kumpirmadong nasawi sa pagguho ng Binaliw Sanitary Landfill, habang 28 katao pa ang nawawala. Mayroon namang 18 sugatan na kasalukuyang ginagamot sa dalawang ospital sa Cebu City. Kinumpirma ni…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
BINATANG NEGOSYANTE BINARIL, PATAY
CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa pamamaril sa isang 47-anyos na binatang negosyante sa labas ng kanyang bahay sa bayan ng Silang sa lalawigan nitong Lunes ng madaling araw. Isinugod sa Estrella Hospital ang biktimang si alyas “Martin”, negosyante, binata, ng Daang Batas. Brgy. Kalubkob Silang, Cavite subalit hindi na umabot nang buhay. Blangko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa suspek. Ayon sa secretary ng biktima na si Analyna, nasa loob siya ng kanyang kuwarto nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok sa labas ng bahay bandang…
Read MoreHIGIT 4,000 NA INDIBIDWAL APEKTADO SA AKTIBIDAD NG MAYON
UMABOT na sa mahigit 4,000 indibidwal ang apektado ng patuloy na aktibidad ng Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay. Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 1,131 pamilya o 4,141 indibidwal ang apektado ng sitwasyon. Sa bilang na ito, 1,116 pamilya o 4,092 katao ang nananatili sa 14 evacuation centers. Aabot na sa P8.64 milyong halaga ng tulong ang naipamahagi ng pamahalaan sa 1,127 pamilyang naapektuhan ng pag-aalburuto ng bulkan. Kabilang sa mga lugar na may pinakamaraming apektadong residente ang Tabaco City, Malilipot,…
Read MoreDEATH TOLL SA GUMUHONG LANDFILL UMAKYAT SA 6
UMAKYAT na sa anim ang sinasabing kumpirmadong nasawi sa pag-collapse ng Binaliw Sanitary Landfill sa Cebu City matapos na may dalawang nahukay mula sa guho nitong Linggo ng umaga. Nasa 31 naman ang iniulat na nawawala pa matapos na matabunan ang humigit-kumulang sa 50 sanitation workers noong Enero 8, 2026, na ikinasugat din ng 12 katao, pito ang kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Visayas Medical Center, habang lima naman sa NorthGen Hospital. Ayon sa ulat, na-recover ng rescue teams ang bangkay ng dalawang babae bandang ala-una ng madaling araw at…
Read MoreLINIS-ILOG SA OPEN CANAL NG GENTRI KASADO SA ARAW NG MGA PUSO
Sa pagpasok ng taong 2026, agad na pinagtibay ng Akbay Kalikasan Environmental Society Management Inc. (AKESMI) ang isang makakalikasang selebrasyon ng Araw ng mga Puso sa Barangay Pascam II, General Trias, Cavite. Pinangunahan nina AKESMI Chairman/President Prof. Julio Castillo at EVP Alvin Fidelson ang pakikipagpulong kay Barangay Captain Jowie Sinsay Carampot upang plantsahin ang mga detalye ng proyektong pangkalikasan na isasagawa sa Pebrero 7 at 14. Sa halip na karaniwang Valentine’s celebration, layon ng aktibidad na bigyang-diin ang mas malalim na kahulugan ng pag-ibig—ang pagmamahal sa kalikasan at sa komunidad.…
Read MoreHALOS 2K PAMILYANG DUMAGAT SA BULACAN TUMANGGAP NG ‘PAMASKONG HANDOG’
NASA 1,939 pamilya na mga ‘Kabalat’ o Dumagat ang tumanggap ng food packs mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na pamamahagi ng ‘Pamaskong Handog’ sa bayan ng Doña Remedios Trinidad at Norzagaray noong Biyernes. Mismong sina Governor Daniel Fernando at Vice Gov. Alex Castro ang nanguna sa pamamahagi nito sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) sa pamumuno ni Rowena Tiongson. Unang dinalaw nina Fernando at Castro ang mga Dumagat sa Barangay Kalawakan at Camachin sa DRT bandang umaga at sa hapon naman ay isinunod…
Read MoreLANDFILL GUMUHO SA CEBU: 1 PATAY, 12 RESCUED, 38 MISSING
PATULOY ang search, rescue, and retrieval operations matapos gumuho ang Binaliw landfill sa Cebu City, kung saan isang 22-anyos na babae ang nasawi, 12 ang nailigtas, at 38 ang nawawala. Ayon sa NDRRMC, naganap ang pagguho bandang alas-4:17 ng hapon kamakalawa. Sa huling ulat, pito sa mga nailigtas ang dinala sa Visayas Medical Center, habang lima ang isinugod sa North General Hospital. Kinumpirma ni Cebu City Mayor Nestor Archival na may 110 empleyado ang nasa lugar nang mangyari ang insidente. Nasa 333 tauhan ang idineploy para sa operasyon habang nagpapatuloy…
Read MoreDINING SUPERVISOR PATAY SA NASUGBU; 2 SUSPEK ARESTADO
NASAWI ang isang 51-anyos na dining supervisor matapos ratratin habang nakaupo sa kanyang nakaparadang sasakyan sa Sitio Centro, Barangay Aga, Nasugbu, Batangas, bandang alas-9 ng gabi noong Miyerkoles. Kinilala ang biktima na si Benson, na tinamaan ng bala sa kanang pisngi. Isinugod pa ito sa Apacible Memorial District Hospital ngunit idineklarang patay ng doktor. Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo, subalit sa follow-up operation ay naaresto ang unang suspek na si alyas “MJ” sa Tagaytay City matapos positibong ituro ng saksi. Nabawi ng pulisya ang ginamit na motorsiklo, improvised…
Read MoreICPO DIRECTOR, STATION COMMANDER SINIBAK SA LAMASAN DEATH PROBE
SINIBAK sa pwesto sina Iloilo City Police Office Director P/Col. Kim Legada at Station 2 Commander PCapt. Jeffrey Delgado dahil sa lapses sa imbestigasyon sa pagkamatay ni Vice Mayor Aimee Lamasan. Ayon kay PRO-6 Director Police Brig. Gen. Josefino Ligan, epektibo nitong Huwebes, Enero 8, ang pagkaka-relieve sa dalawang opisyal at naipaalam na ito kay Iloilo City Mayor Raisa Treñas. Ugat ng desisyon ang matinding pagkaantala ng SOCO, na umabot ng 36 oras bago makarating sa crime scene na lantad na paglabag sa standard procedure ng PNP. Itinalaga bilang Officer-in-Charge…
Read More