LALAKI BINOGA NG MAGKAPATID

CAVITE – Patay ang isang lalaki makaraang barilin ng isa sa magkapatid matapos magsumbong ang nakababatang kapatid na kinuyog siya ng ilang residente kabilang ang biktima, dahil sa paratang na pagnanakaw sa Dasmariñas City noong Linggo ng gabi. Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas “Max”, nasa hustong edad, ng Barangay Burol 1, Dasmariñas City, Cavite dahil sa tama ng bala sa mukha. Pinaghahanap naman ng pulisya ang magkapatid na sina alyas “Topher”, 22, at “Ericson”, nasa hustong edad, kapwa residente ng Barangay Burol 1, Dasmariñas…

Read More

DOJ ADMIN OFFICER KINASUHAN NG NBI SA P12-M ANOMALYA

PATUNG-PATONG na kasong kriminal ang isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa isang administrative officer ng Department of Justice (DOJ) dahil sa umano’y paglihis ng hindi bababa sa P12 milyon na pondo ng publiko. Kinumpirma ito ng tagapagsalita ng NBI na si Palmer Mallari, na nagsabing nag-ugat ang kaso sa mga iregularidad sa payroll ng mga regional prosecutor. Sa panayam sa media noong Sabado, Disyembre 27, sinabi ni Mallari na ang anomalya ay unang nadiskubre ng DOJ Payroll Section, na agad nagsumite ng kumpletong dokumento sa NBI para…

Read More

Parang kidnap for ransom MGA PINOY SA SCAM HUB SA SE ASIA PINATUTUBOS NG SINDIKATO

MISTULANG biktima ng kidnap for ransom ang mga Pilipinong naengganyong magtrabaho sa mga scam hub sa ibang bansa gaya ng Cambodia, matapos umanong singilin ng malaking halaga ang kanilang pamilya kapalit ng kalayaan. Dahil dito, inihain ang House Resolution No. 602 ng Makabayan bloc sa Kamara para imbestigahan ang patuloy na pagdurusa ng mga Pilipinong nasa kamay ng mga Chinese scam syndicate na nakabase sa Cambodia, Myanmar, Laos, at iba pang bansa sa Southeast Asia. Bagama’t hindi tinukoy sa resolusyon kung ilang Pilipino ang kasalukuyang bihag ng mga sindikato, nabatid…

Read More

NAKAW NA MOTORSIKLO NABAWI SA TULONG NG CCTV

CAVITE – Nabawi ang isang nakaw na motorsiklo sa isang lalaki nang matunton at makilala na siyang tumangay sa nasabing sasakyan, sa tulong ng Closed Circuit Television (CCTV) sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Linggo ng gabi. Hawak na ng pulisya ang suspek na si alyas “Bernie”, isang obrero, ng Rosario, Cavite, matapos matunton sa kanya ang nakaw na isang motorsiklong Rusi TC150. Ayon sa reklamo ng biktimang si alyas “Jennalyn”, ng Brgy. Ibayo Estacion, Naic, Cavite, ipinarada nito ang nasabing motorsiklo na kanya lamang hiniram sa kanyang pinsan,…

Read More

LAW ENFORCEMENT OPERATION VS ATONG ANG, ET AL SISIMULAN NA

POSIBLENG pasimulan na anomang oras, ang law enforcement operation laban sa negosyanteng si Charlie “Atong” Ang at ilan pang sangkot sa missing sabungeros. Ito ay sa oras na ilabas ang warrant of arrest laban kay Ang na umano’y utak sa likod ng misteryosong pagkawala ng mga sabungero. Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Disyembre 22, maaring anomang oras ay maglabas na ng mandamiento de arresto laban kay Ang. Matatandaan, nauna nang kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na nakakita ito ng…

Read More

BANGKAY NATAGPUAN SA LIKOD NG JEEPNEY

CAVITE – Nagsasagawa ng imbestigasyon ang Cavite police hinggil sa natagpuang bagkay ng isang lalaki sa likod ng isang jeepney sa Bacoor City noong Linggo ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Mcdo”, ng Brgy. 3, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat, isang concerned citizen ang nadaanan ang bangkay ng lalaki sa likod ng isang nakaparadang jeepney sa tabi ng kalsada sa Buhanginan, Greenvalley, Brgy. Molino 3, Bacoor City Cavite, bandang alas-5:00 ng umaga. Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya na may dugo sa ulo ang biktima. Inaalam pa ang sanhi…

Read More

LIBRENG TOLL SA PANGILINAN-LED LUZON TOLLWAYS

PINAIGTING ng Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), konsesyonaryo ng NLEX, SCTEX, katuwang ang BCDA, NLEX Connector, Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), at ang PRA-PEATC, at Cavite-Laguna Expressway (CALAX), ang mga paghahanda nito para sa kaligtasan sa trapiko at kalsada tuwing kapaskuhan sa buong network ng Luzon expressway upang matiyak ang maayos at ligtas na paglalakbay para sa mga motorista ngayong panahon ng peak travel period ng Pasko at Bagong Taon. Sa pamamagitan ng maagang paghahanda, pagpapadala ng buong tauhan, at mga inisyatibo tulad ng counterflow, mga operasyon ng harang, libreng serbisyo sa…

Read More

DRIVER NAKAIDLIP, JEEPNEY SUMALPOK SA POSTE

CAVITE – Pinapanagot sa driver ng isang pampasaherong jeepney ang pagkakasugat ng ilan nitong pasahero at pagkasira ng dalawang sasakyan na nakaparada sa lugar nang bumangga ito sa poste ng ilaw at sa nabanggit na mga sasakyan sa Gen. Trias City noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa City of General Trias Doctors and Medical Center ang ‘di pa pinangalanang mga pasahero, dahil sa mga sugat sa kanilang katawan. Kinilala naman ang driver ng pampasaherong jeepney na si alyas “Juan”, 43, ng Brgy. San Antonio, Cavite City. Ayon sa…

Read More

LOOSE FIREARMS AT PAMPASABOG, ISINUKO SA MILITAR

SULTAN KUDARAT – Iba’t ibang uri ng mga kagamitang pandigma ang boluntaryong isinuko ng mga residente sa tropa ng 7th Infantry (Tapat) Battalion, Philippine Army sa Barangay Kapaya, Bagumbayan, sa lalawigan noong Biyernes. Ayon kay Lt. Col. Tristan Ray P. Vallescas, Commanding Officer ng 7IB, umabot sa labing-isang high-powered firearms, dalawampu’t pitong low-powered firearms, at sampung high explosive ordnance ang kusang-loob na isinuko ng mga residente sa kanilang himpilan. “Ang boluntaryong pagsuko ng mga armas ay patunay ng tiwala ng mamamayan sa kasundaluhan at bahagi ng mas pinaigting nating suporta…

Read More