3 TIMBOG SA NBI SA ILLEGAL INTERNET CONNECTION SA CAVITE, LA UNION

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation–Cybercrime Division (NBI-CCD) ang tatlong indibidwal na sangkot sa ilegal na pagpapakabit at pagbebenta ng internet services sa magkahiwalay na operasyon sa Cavite at La Union. Unang nadakip sina alyas Vince at Urmesh sa General Trias, Cavite noong Agosto 28, matapos madiskubreng dine-divert sa kanilang account ang bayad ng mga subscriber. Gumagamit umano ang dalawa ng mga computer para sa ilegal na reactivation, boosting, at resale ng internet connections nang walang awtoridad mula sa lehitimong service provider. Nahaharap sila sa kasong paglabag…

Read More

BARKO SUMADSAD SA QUEZON, 41 PASAHERO NA-RESCUE

QUEZON – Isang pampasaherong barko ang sumadsad sa mababaw na bahagi ng dagat malapit sa Port of Real sa Barangay Ungos, sa bayan ng Real sa lalawigan bandang alas-9:50 umaga nitong Martes. Ayon sa report, paalis sana ng Real Port ang RORO, lulan ang 41 pasahero at pitong rolling cargoes, patungo sa isla ng Polillo nang mangyari ang insidente. Nagmamaniobra na umano ang barko mula sa docking area nang lumapat ang ilalim nito sa mababaw at batuhang bahagi ng dagat, 50 metro pa lamang ang layo sa port. Tuluyang sumadsad…

Read More

8 SUGATAN SA NAKATULOG NA PICK-UP DRIVER

CAMARINES SUR – Walo katao ang nasugatan nang araruhin ng isang pick-up ang isang tindahan sa gilid ng highway sa bayan ng Del Gallego sa lalawigan. Nangyari ang insidente bandang alas-2:20 ng hapon noong Sabado sa Barangay Pinagdapian. Ayon sa imbestigasyon ng Del Gallego Police, nakatulog umano ang nagmamaneho ng itim na Nissan Navara pick-up na si alyas “Laniog”, 42, na noon ay bumibiyahe patungong Naga City. Nawalan ito ng kontrol sa sasakyan at unang sinalpok ang isang tindahan. Nasugatan ang limang tao na nagpapahinga sa loob nito. Bukod sa…

Read More

MGA APEKTADO NG BAGYONG NANDO PATULOY SA PAGLIKAS

PATULOY ang isinasagawang evacuation and rescue operation sa mga apektado ng bagyong Nando sa Ilocos Sur at Cagayan. Katuwang ang BFP, inilikas ng PCG ang mga apektado sa Sta. Catalina, Ilocos Sur kabilang ang 37 pamilya o 80 residente mula sa Barangay Paratong, Cabittaogan, at Subec gamit ang ambulansya. Lahat ay dinala sa evacuation center upang maiwasan ang panganib. Samantala, sa Barangay Rapuli, Santa Ana, Cagayan, nagsagawa ng house-to-house inspection ang Coast Guard Deployable Response Group (DRG). Natagpuan ang dalawang pamilya na binubuo ng walo katao, kabilang ang anim na…

Read More

P3.7-M MARIJUANA BINUNOT SA ILOCOS SUR

SA kabila ng banta ng paparating na bagyo noong Linggo, matagumpay na nagsagawa ng marijuana eradication ang mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office I – Ilocos Sur Provincial Office (PDEA RO I-ISPO), katuwang ang Ilocos Sur Police Provincial Office – Provincial Drug Enforcement Unit at sa suporta ng Ilocos Sur 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMPC), sa Barangay Licungan, Sugpon, Ilocos Sur. Ayon sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, bandang alas-8:00 ng umaga nang pinasimulan ang pinagsanib na operasyon.…

Read More

CASH, GADGETS NG REAL ESTATE AGENT, NILIMAS NG MENOR DE EDAD

CAVITE – Nilimas ng hinihinalang isang menor de edad ang cash, IPad at cellphone ng isang real estate agent habang nakaparada ang kanyang kotse sa Brgy. San Miguel A, sa bayan ng Maragondon sa lalawigan noong Sabado ng hapon. Personal na dumulog sa tanggapan ng pulisya ang biktimang si alyas “Francis”, 26, ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City, Cavite. Ayon sa salaysay ni Francis, ipinarada nito ang kanyang kotseng Toyota Veloz na may plakang NUC 7597, sa nasabing lugar upang sunduin ang kanyang live-in partner bandang alas-2:35 ng hapon. Pero ilang…

Read More

MOTORSIKLO SUMALPOK SA POSTE; 1 PATAY, 1 SUGATAN

CAVITE – Nasawi ang isang mister habang nakaligtas naman ang kanyang misis na naka-angkas nang sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang poste ng kuryente sa Trece Martires City noong Sabado ng madaling araw. Isinugod sa ospital ang mag-asawang sina Reiner, 36, isang security guard, at Pamela, 36, kapwa residente ng, Brgy. Aguado, Trece Martires City, subalit hindi umabot nang buhay ang mister dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa asawa ng biktima, binabagtas nila ng kanyang mister ang kahabaan ng Governor’s Drive, Brgy. Conchu, Trece Martires City, sakay ng motorsiko…

Read More

LALAKI NASABUGAN NG IMPROVISED FLASHLIGHT

CAVITE – Sugatan ang isang lalaki nang sumabog ang isang improvised flashlight sa bayan ng Tanza sa lalawigan noong Sabado ng umaga. Nilalapatan ng lunas sa Gen. Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Ron” ng Sahud Ulan, Tanza, Cavite dahil sa sugat sa katawan. Ayon sa ulat, lumabas sa kanilang bahay ang biktima nang mapansin ang isang umiilaw na tila flashlight sa isang plastic bag bandang alas-9:00 ng umaga. Dahil sa kuryusidad, nilapitan nito ang plastic bag at bumungad sa kanya ang tila flashlight kaya tinangka nitong kalikutin…

Read More

TRUCK DRIVER INATAKE HABANG NAGMAMANEHO

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang truck driver na bumagsak at nawalan ng malay habang nagmamaneho sa Trece Matires City noong Huwebes ng gabi. Isinugod sa General Emilio Aguinaldo Memorial Hospital ang biktimang si alyas “Jesus” subalit idineklarang dead on arrival. Ayon sa truck helper na si Nelson, nagmamaneho ang biktima sa kahabaan ng Governor’s Drive, Purok 2, Brgy. Hugo Perez, Trece Matires City nang mawalan ito ng malay at bumagsak bandang alas-9:45 ng gabi. Humingi ng tulong ang truck helper hanggang sa dumating ang transport…

Read More