IBAT’T IBANG PANALONG SARAP SA FRIULI TRATTORIA

(ANN ESTERNON) Tayong mga Pinoy na mahilig kumain ay palaging naghahanap hanggang maaari ng mga pagkaing masasarap kahit ang presyo nito ay may kamahalaan. Pero iba pa rin naman na makahanap tayo ng mga pagkain na sobra sa sarap pero ang presyo ay sasakto sa ating mga budget para kahit makarami ng kain ay uulit at uulit lamang dahil sulit na sulit ito. Dito lamang sa UP Village sa Quezon City ay may isang pizza parlor na talaga namang dinarayo ng marami. Ang kuwento, mura at masarap ang mga pagkain…

Read More

MGA SINTOMAS AT SANHI NG LAGNAT

LAGNAT

ANG lagnat o “fever” ay isang karaniwang sakit lalo na ngayong tag-ulan. Pero isa rin ito sa mga sakit na may iba’t ibang pwedeng pagmulan at hindi rin dapat balewalain. ANO BA ANG LAGNAT? Ang lagnat ay sintomas lamang ng sakit na dumapo sa katawan. Tuwing may impeksyon, sakit o iba pang sanhi, nagiging aktibo ang ating hypothalamus at tinataasan nito ang temperature ng ating katawan para magbigay ng signal na mayroong mali. Ang hypothalamus ay isang parte ng utak na may direct control sa temperature ng ating katawan. Bagama’t…

Read More

MURO-AMI: TRADISYONG DELIKADO SA KARAGATAN

MURO-AMI-1

Kung yamang tubig lamang ang pag-uusapan ay talaga namang sagana ang Pilipinas diyan. Magtataka pa ba naman tayo gayong napalilibutan ang bansa ng tubig at dahil dito ay sagana tayo sa mga makukuha sa ilalim ng tubig na ito. Pero ang totoo hindi tayo ganoon kasagana dahil marami sa atin ang nagpapabaya at walang alam kung paano ito gagamitin, iingatan at pasasaganahin. Sa isang datos, umaabot sa halos limang milyong katao ang nabubuhay sa pangingisda sa Southeast Asia. Dito sa atin, 80 hanggang 90 porsento ng pinagkakakitaan ay nanggagaling sa…

Read More

MGA PARAAN PARA BUMANGO ANG BAHAY

ESSENTIAL SMELL DIFFUSERS

Ang isang paraan para maging mabango ang bawat kuwarto ng bahay ay hayaang maging bukas ang mga bintana nito nang pansamantala upang ang hindi kaaya-ayang amoy ay makalabas muna at ang fresh air ay makapasok. Pero ang naturang suhestiyon ay hindi rin naman laging maaasahan. Para sa kaligtasan ng ating kalusugan ay iwas din naman tayo para makaiwas tayo sa mga synthetic scent na maraming mga kemikal. At upang iwasan ito ay mayroon namang opsyon para rito gaya ng mga sumusunod… – ESSENTIAL SMELL DIFFUSERS. Lagyan lamang ito ng tubig…

Read More

DIY: FLOWER GARLAND PARA SA BAHAY

garland

Hindi lahat ng do it yourself (DIY) project ay madaling gawin pero mayroon sa mga ito na mapagtitiyagaan lalo kung ang target natin ay mapaganda ang bahay sa gagawing ito. Ang DIY na ito ay ang flower garland na madalas ilagay sa loob ng bahay partikular sa mga bintana. Ang flower garland na ito ay walang pinipiling okasyon kaya’t anytime ay pwedeng idisplay o kahit sa buong taon basta maging maalaga lamang dito na hindi marumihan. Ang pwede at mas magandang uri nito ay ang mga artificial flower para hindi…

Read More

PAGKAING BUKID: LARAWAN NG SARAP

Ararawan

Ang buhay ng mga magsasaka o ang mga taong laki sa mga lalawigan ay sanay sa payak lamang na pamumuhay at kabilang dito ay ang kanilang mga kinakain. Ang mga pagkaing ating tinutukoy ay ang mga putaheng bagay na bagay lamang sa simpleng salu-salo pero walang dudang makapagbibigay ng totoong kabusugan sa ating sikmura. Ang mga putaheng ito ay karaniwang tinatawag na pagkaing bukid o sa bukirin o sa simpleng tahanan lamang madalas na nakakain. Larawan ang mga pagkain ito ng kasimplehang pamumuhay ng ating mga kababayan. Karaniwan din na…

Read More

FIBROADENOMA: BUKOL SA DIBDIB

FIBROADENOMA

Naging usap-usapan noon online ang litrato ng isang babae na mayroong sensitibong kondisyon. Ayon sa post, si Jonalyne ay mayroong sensitibong kondisyon na nagdulot ng sobrang paglobo ng kaniyang dibdib. Pinaniniwalaan ni Jonalyne na ang kaniyang kondisyon ay dulot lamang ng kaniyang pagbubuntis. Maraming netizen ang nagulat at nagbigay ng kanilang mga reaksyon ngunit isa sa mga ito ang nakapagsabing baka ito ay fibroadenoma. ANO BA ANG FIBROADENOMA? Ang Fibroadenoma ay non-cancerous breast tumor na binubuo ng glandular tissue at stromal (connective) tissue. Kababaihan lamang ang karaniwang nagkakaroon nito na…

Read More

KATAMARAN NAKAHAHABA NG BUHAY

KATAMARAN-16

MARAMING nagsasabi na kapag tamad daw ang isang tao, wala raw itong mararating. ‘Yan ang pinabulaanan ng grupo ng scientists sa University of Kansas (KU) na pinag-aralan ang fossils at extant bivalves at gastropods sa Atlantic Ocean. Iba raw kasi ang siste sa species na ito dahil ang pagiging tamad ay nakahahaba pa ng buhay nila. Natuklasan kasi sa pag-aaral na kung mas mabilis ang metabolic rate, mas malaki ang tiyansa na maging extinct, kabaliktaran sa species na mayroong mababang metabolic rate, ayon sa statement. Pinag-aralan sa isinagawang study ang metabolic…

Read More

BAKIT MAY SIDE EFFECTS ANG MGA GAMOT?

GAMOT SIDE EFFECTS

Ayon sa mga doktor, walang gamot na masasabing 100 porsyentong ligtas. Ito ay dahil ang isang gamot ay maaaring walang side effects sa iyo ngunit mayroon para sa iba o vice versa. Kung tutuusin ay lahat ng gamot ay sad­yang may side effects. Gayundin naman, mas lalong walang 100% safe na gamot sa mga buntis kaya mas pinag-iingat ang mga ito sa pag-inom ng gamot at pinapayuhan din na agad na ireport sa doktor kung anuman ang nararamdamang negatibo sa katawan. Karaniwang side effects na nararamdaman ay may kinalaman sa gastrointestinal system. Halos lahat ng mga gamot ay nakakapagbigay…

Read More