10-MINUTE EXERCISE, PAMPATALAS NG MEMORYA

MEMORYA

Alam ninyo bang ang pag-e-exercise nang 10 minuto kada araw ay nakatutulong na magpatalas ng memorya? Sa report batay na rin sa pag-aaral ng mga researcher mula sa University of California, Irvine sa United States at University of Tsukuba sa Japan, lu­mabas na may malaking impact sa pag-iisip ng isang tao ang pag-eehersisyo. Sa pagsusuri ay nag-­imbita muna ng 36 volunteers na nasa early 20s ang mga scientist at isinailalim muna ang mga ito sa 10 minutes na light exercise bago sumalang sa memory test. Ginawa rin nila ito sa…

Read More

NAGBABAGANG SARAP SA CAMPFIRE SA KYUSI

CAMPFIRE

Maiba naman! Iyan ang dalawang salita na binibigkas natin sa tuwing naghahanap tayo ng makakain at makakainan kaya’t susundan naman ito ng mga salitang, “Doon tayo sa bago.” Kamakailan lamang ay sinadya namin ang bago sa aming mga mata at sa aming panlasa, ang Campfire na isang burger restaurant. Ito ay matatagpuan sa 23 Scout Limbaga St., Brgy. Laging Handa sa Quezon City. Bukas ito mula alas-11 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi kaya talaga namang tinatambayan ng marami. Homey ang feeling ng restaurant na ito dahil sa labas pa…

Read More

MADALAS NA PAGDIGHAY, MAY PROBLEMA SA KALUSUGAN

DIGHAY

ANG pagdighay ay normal na sa ating katawan. Inilalabas kasi nito ang labis na hangin sa ating sikmura lalo na kung tayo ay busog dahil kung hindi ay magdudulot ito ng masamang pakiramdam. Pero ang palaging pagdighay nang walang dahilan ay posibleng isang problema sa kalusugan. Maraming dahilan ang pagdighay kaya posibleng ito ang rason kung bakit may mga oras na sunud-sunod ang iyong pagdighay. NARITO ANG ­ILANG MGA RASON: – Chewing gum – Palaging may candy sa bibig – Paninigarilyo – Mga inuming carbonated o soft drinks Pwede ring…

Read More

FISH OIL SUPPLEMENTS WALANG EPEKTO SA HEART ATTACK?

FISH OIL SUPPLEMENTS

Isa ka ba sa mga naniniwalang ang fish oil supplements ay nakatutulong para maiwasan ang heart attack o stroke sa mga taong mayroong diabetes? Hindi ‘yan totoo, ayon sa pag-aaral na isinagawa upang patunayan ang pagiging epektibo ng pills na mayroong omega-3 fatty acids. Mahigit sa 15,000 indibidwal na mayroong diabetes na walang sintomas ng anumang sakit sa puso ang sinuri ng pag-aaral sa Britain. Nakalathala ang resulta ng pag-aaral sa New England Journal of Medicine. Kalahati sa mga partisipante ay araw-araw na binigyan ng capsule na mayroong omega-3 habang…

Read More

SUSTANSYA NG BALUT

BALUT-2

NAPAKARAMING street food ng mga Pinoy na hinding-hindi pwedeng mawala o mapalitan, isa na rito ang balut. Ang balut ay isang ‘fertilized duck embryo’ na maaaring mabili sa mga naglalako nito sa kalsada pagsapit ng gabi. Ito ay isa lamang sa mga agaw-pansin na ‘street food’ lalo na sa mga turistang nagpupunta ng ‘Pinas dahil sa ‘unique’ nitong lasa at itsura kapag ito ay binalatan na. Halos lahat ng mga Pinoy ay kumakain nito, pang merienda man o panghimagas. Dahil sa sobrang mura at instant na panglamang tiyan, patok na patok sa atin ang…

Read More

BAKIT MADALAS BINABAGYO ANG PILIPINAS?

BAGYO-5

Ganitong kahit papasara ang taong 2019, hindi pa rin tayo nililisan ng pagbisita ng mga bagyo gaya ng pagpasok kamakailan ng Bagyong Tisoy. Hindi lahat sa atin ay naiintindihan kung anu-ano ang mga bagay na may kinalaman sa bagyo. Bilang aming mambabasa, para sa inyo ay tutuklasin natin kung ano ang bagay na ito upang lubos nating maunawaan kung bakit madalas tayong binibisita ng bagyo. Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), natural na pasukin ng bagyo ang Pilipinas dahil na rin sa napaliligiran tayo ng tubig.…

Read More

HOLIDAY STRESS: PAANO MAIIWASAN?

Holiday stress

Dahil ilang araw na lamang ang bibilangin bago ang mismong araw ng Pasko, pihadong marami sa atin na sa ngayon pa lamang ay stressed na para sa paghahanda sa naturang okasyon. Totoo, “It’s the most wonderful time of the year,” pero sa ganitong sitwasyon ay dapat na maging kalmado pa rin tayo. HOLIDAY STRESS Alam ninyo ba’ng sa ganitong panahon din ay marami talaga ang nagkakasakit dahil sa stress? At bakit ba tayo nakararanas ng stress? Nagkakaroon ng stress dahil sa kawalan ng sapat na oras, pera o budget, at…

Read More

MGA EHERSISYONG MAGPAPASIGLA SA UMAGA

EHERSISYO-5

MAGANDANG simulan ang umaga ng ehersisyo na gigising talaga sa daloy ng iyong dugo. Marami nang pag-aaral ang nakapagpatunay sa mga benepisyong hatid ng regular na pag-eehersisyo sa ating kalusugan, lalo na sa ating puso, baga, at mga buto at kalamnan. Kaya naman mainam talaga na ito ang pinakaunang gawin sa uma­ga. Narito ang ilan sa mga simpleng ehersisyo na talaga namang manggigising ng buong araw mo: JOGGING Ang simpleng paglalakad o pagtakbo o jogging sa umaga ay mabuti para sa kalusugan ng puso. Ayos ito gawin sa mga mapupunong…

Read More

MARIJUANA GAMOT SA ECZEMA AT PSORIASIS

MARIJUANA-10

PARAMI na nang parami ang mga nagpapatunay na nakagagamot ng iba’t ibang klase ng sakit ang marijuana o ang cannabis, gaya ng eczema at psoriasis. Sinabi ng researchers sa University of Colorado na may isang compound sa nasabing droga na nakatutulong upang mapagaling ang mga karaniwang kondisyon sa ating balat. Nagsagawa ang scientists ng trials sa anti-inflammatory compound na ang tawag ay CBD (cannabidiol) na makikita sa cannabis. Sabi sa pag-aaral, hindi umano ito mapanganib o nakaka-high. Sinabi ni Dr. Robert Dellavalle, ang nanguna sa research na, “There’s a large…

Read More