Sino maghaharap sa 2020 PBA All-Filipino Finals?

PAGPAPASIYAHAN ngayong araw ng apat na koponang semifinalists – Barangay Ginebra, Talk ‘N Text, ­Meralco at Phoenix Super LPG – kung alin sa kanila ang maiiwan para magharap sa ­kampeonato ng 2020 PBA Philippine Cup bubble. Nangyari ito matapos malusutan ng Tropang Giga ang Fuel Masters, 102-101 at ng Bolts ang Gin Kings, 83-80, noong Miyerkoles sa Game 4 ng kani-kanilang best-of-five Final Four series para maitabla at palawigin ang serye sa sukdulang limang laro. Tabla na ang Tropang Giga at Fuel Masters at ang Gin Kings at Bolts, 2-2,…

Read More

NATURALIZATION NI KOUAME NG ATENEO BLUE EAGLES, ISINULONG SA SENADO

INIHAYAG ni Senador Sonny Angara na kanyang inihain ang isang panukala upang gawing naturalized Filipino si Angelo Kouame ng Ateneo Blue Eagles para matiyak na malakas ang koponang Pilipinas sa pagsabak nito sa 2023 World Cup. Sa pahayag, sinabi ni Angara na layunin ng panukala na maging solido at mapagtibay ang koponan ng Pilipinas sa naturang torneo. Ayon kay Angara, chairman ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), may counterpart na ang Senate Bill No. 1982 sa Kamara, ang House Bill No. 5951 na inihain ni SBP Vice Chairman Rep. Robbie…

Read More

“Walang dapat ikahiya!”

ITO ang mensaheng ipinarating ni Pilipino-Amerikanong coach na si Erik Spoelstra sa mga miyembro ng Miami Heat, sa kanilang mga taga-sunod at sa media sa aniya’y bigong kampanya nila sa 2020 NBA. Naging emosyonal ang malambot magsalitang si Spoelstra sa paglalarawan ng madawag na daang tinahak ng kanyang koponan sa NBA Finals bubble na natapos noong Linggo, kung kailan natamo ng Los Angeles Lakers ang kanilang ika-17 titulo. Ang malayong agwat ng resulta ng Game 6 sa pitong larong serye ay hindi inaasahan ni Spo at ng kanyang mga manlalaro,…

Read More

Bakit tinawag na Lakers ang 2020 NBA champion?

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA ALAM nyo ba kung ano ang kaugnayan ng “lakes” sa Lakers sa maaraw, mainit at tuyong Southern California at kahanga-hangang Hollywood? Ang sagot sa ­katanungang ito ay WALA! Walang kaugnayan ang “lakes” o Lakers sa Estado ng California. Ang Lakers ay isinilang kalahating kontinente ang layo sa Estado ng Minnesota, na ayon mismo sa kasaysayan ay tumutugon sa tawag na “Land of 10,000 Lakes. Ang Lakers, samakatuwid, ay nagsimula sa malamig at maniyebeng kambal na siyudad (Twin Cities) ng Silangan at ­Gitnang Silangan ng Minnesota…

Read More

Mula sa pagiging ‘homeless’ hanggang maging NBA superstar

GANITO ang kasaysayan ng buhay ni Jimmy Butler bago naging NBA superstar. Sa murang edad na 13, si Butler ay pinalayas mismo ng kanyang ina sa kanilang tahanan at nabuhay na palaboy. Lumaki si Butler sa isang maliit na bayan sa labas ng Houston na walang nakilalang ama. Kung hindi ninyo alam ang kanyang istorya, malamang na ang iisipin ninyo ay kung paano siya pinalaki ng kanyang ina para marating ang kinalalagyan niya ngayon. Sa isang banda, maaaring ganoon nga. Pero hindi sa paraang inaasahan ninyo. Bago siya pinaalis ng…

Read More

Thrilla in Manila: Handa ko nang patawarin si Clay – Frazier

SPORT FEATURE Ni EDDIE ALINEA NOONG gabi matapos niyang maipagtanggol ang pandaigdig na ­kampeonato sa heavyweight laban kay Joe Frazier sa pamamagitan ng TKO sa ika-14 na round sa Philippine Coliseum sa Maynila noong Oktubre 1, 1975, buong pagpapakumbabang ipinahayag ni Muhammad Ali na tinatapos na rin niya ang limang taong hindi nila pagkakasundo. Sa anak ni Frazier na si Marvis niya ipinarating ang paghingi ng tawad sa mga pang-iinsulto, panlalait at paghamak sa pagkatao ng karibal at dating kampeong si Smokin’ Joe. “Tell yor dad the things I said,…

Read More

Thrilla in Manila: Pagkatapos ng laban, tapos na rin ang away

SPORT FEATURE Ni EDDIE ALINEA NOONG gabing natuldukan ang limang taon at tatlong labang serye sa pagitan ni heavyweight champion Muhammad Ali at ni dati ring kampeong Smokin’ Joe Frazier, nagpahayag si Ali na tapos na ang “digmaang” namagitan sa kanilang ­dalawa. Ang mga salitang binitiwan ni Ali, pagkaraang maipagtanggol ang kanyang korona sa pamamagitan ng 14th round TKO, pagpasok pa lamang sa kanyang silid bihisan ay naging hudyat na magiging tahimik na ang mundo nila mula noong araw na iyon. “We went to Manila, Joe and me, as champions, and we…

Read More

Thrilla In Manila: More than a fight

MULA noong lumabas siya sa kanyang lungga makaraan ang kanyang suspensiyon dala ng pagtangging magsilbi sa military, halata ang naging pagbabago ni Muhammad Ali sa kanyang pananaw sa buhay. Nang siya’y pahintulutang makabalik sa boksing, makaraan ang tatlong taong sapilitang pagpapahinga at napatulog si Jerry Quarry sa City Auditorium ng Atlanta noong Oktubre 26, 1970, kinakitaan na ng pagbabago si Ali, nagmatyur sa pisikal at pagiisip. Ang kanyang dilang dati ay matalim ay lumambot. Napansin ito sa mga sumunod niyang laban kina Chuck Wepner, Ron Lyle, Joe Bujgner at George…

Read More

Puno ng drama na “Thrilla In Manila”

SPORTS FEATURE Ni EDDIE ALINEA NGAYONG araw na ito, 45 taon na ang nakalilipas, naganap sa Maynila ang huling kabanata ng ­trilogy sa pagitan ng nagtatanggol na kampeong pandaigdig sa heavyweight na si Mumammad Ali at ang humahamong si Joe Frazier. Noong ika-1 ng umaga ng Oktubre taong 1975 nagsagupa ang mahigpit na magkaribal na si “The Greatest” Ali at “Smokin” Joe sa 15-round na bugbugan sa harap ng 32,000 manonood sa Araneta Coliseum (bininyagang Philippine Coliseum para lamang sa naturang pagtutuos). Kabilang sa mga saksi sa brutal at madugong…

Read More