STAGS, BOMBERS MAGKAKASUBUKAN

LARO NGAYON: (FILOIL FLYING V CENTRE) 12:00 P.M. – EAC VS CSB (MEN) 2:00 P.M. – MAPUA VS PERPETUAL (MEN) 4:00 P.M. – SSC-R VS JRU (MEN) (PHOTO BY MJ ROMERO) RARATSADA na ang kampanyang makabawi ng San Sebastian sa pagharap sa Jose Rizal University ngayon sa 95th NCAA men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre sa San Juan. Ibabandera ng kanilang 1-2 punch na sina RK Ilagan at Allyn Bulanadi, ang Stags ay determinadong magamit ang kanilang off-season buildup sa larong magsisimula ng alas-4:00 ng hapon laban sa…

Read More

2020 TOKYO OLYMPICS: PERSONIFIED PH FLAG ISINUNOD KAY RIZAL

tokyo22

(PHOTO BY WORLD-FLAGS.ORG) KABILANG ang watawat ng Pilipinas sa talaan ng personified flags ng world-flag.org, isang Japanese website, bilang bahagi ng pagpo-promote sa nalalapit na 2020 Tokyo Olympics. Ipinakilala bilang ‘Pearl of the Orient,’ ang gumawa ng anime flag ng Pilipinas ay isinunod at tinawag na Rizal. “Kung sino ang tahimik, s’ya ang mapanganib” ito ang nakasulat katabi ng personified flag. Ang gijinka (personification of inanimate objects) ay nakabihis ng puti, pula at blue armor na may pangalang ‘Maharurika,’ kung saan ang animated version ay mayroon baril (rifle), may hawak…

Read More

THURMAN KAY PACQUIAO: THIS IS MY FIGHT!

thurman12

NANG ihayag ang 12-round battle nina Manny Pacquiao at Keith Thurman, agad naging betting favorite ang American boxer. Matapos ang mahigit isang buwang training ng dalawang boksingero, nabaligtad na at ngayon ay bahagya nang pinapaboran ang Fighting Senator ng Pilipinas na siyang magwawagi sa July 20 fight. Dahil ditto, tila nakaramdam ng kawalan ng respeto umano sa kanya ang mga eksperto sa pagpabor sa 40-anyos na si Pacquiao. Kaya naman, muling umatake ang matalas na dila ni Thurman sa pamamagitan ng Face to Face ng Premier Boxing Champions site, kung…

Read More

GILAS PILIPINAS U19, LUHAAN SA GREECE

gilas100

(NI JOSEPH BONIFACIO) LUHAAN ang Gilas Pilipinas youth squad nang kaldagin ng Serbia, 87-60 at tuluyan nang napatalsik sa kontensyon ng 2019 FIBA U19 World Cup kahapon sa Heraklion, Greece. Ranked no. 30 sa mundo, pumalag pa sa umpisa ng laro ang Nationals, 22-18 laban sa world no. 4 Serbia, subalit nagpakawala ng mabigat na 17-1 birada ang Serbians upang biglaang ibaon sa 39-19 ang iskor at hindi na nilingon pa ang mga Pinoy. Umabot pa sa 29 puntos ang kalamangan ng European powerhouse tungo sa malaking 27-puntos na panalo.…

Read More

2 BAGONG IMPORT KAKALISKISAN

import33

MGA LARO NGAYON: (MALL OF ASIA ARENA) 4:30 P.M. — MAGNOLIA VS BLACKWATER 7:00 P.M. — SAN MIGUEL VS NLEX (NI JJ TORRES) IBABANDERA ng San Miguel Beermen at Blackwater Elite ang kanilang mga bagong import ngayong gabi sa PBA Commissioner’s Cup na gaganapin sa Mall of Asia Arena. Susubukang bigyan ni Chris McCullough ng importanteng panalo ang Beermen kontra NLEX Road Warriors sa ganap na alas-7:00 ng gabi, habang si Staphon Blair ay susubukang tapusin ang two-game losing skid ng Elite laban sa Magnolia Hotshots sa alas-4:30 ng hapon.…

Read More

‘POC RULES AND BYLAWS, DAPAT NANG BAGUHIN’

poc12

(NI JEAN MALANUM) BUMABA sa puwesto bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC) si Ricky Vargas, dalawang linggo na ang nakalilipas at naiwang nakabitin at hindi naresolba ang mga isyung ibinato laban dito, gaya ng pagpasok sa mga kontrata nang walang basbas ng board. Nitong nakaraang linggo, inihayag ni POC chair Bambol Tolentino ang pagsasagawa ng special election para sa pitong posisyong ibinakante (kasama na ang puwesto ni Vargas). Kaugnay nito, sinabi ni POC Secretary-General Atty. Charlie Ho, na kinakailangan na ng executive board na pag-isipang baguhin ang POC rules…

Read More

IKAANIM NA SUNOD,  HAHABLUTIN NG F2

volley21

LARO NGAYON: (VELEZ SPORTS CENTER) 4:15 P.M. – STA. LUCIA VS F2 LOGISTICS 7:00 P.M. – GENERIKA-AYALA VS CIGNAL (PHOTO BY MJ ROMERO) SILAY CITY – Ipagpapatuloy ng powerhouse F2 Logistics ang mainit nitong kampanya sa pagsagupa sa Sta. Lucia sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Natalio Velez Sports and Cultural Center dito sa Negros Occidental. Ang aksyon ay magsisimula sa alas-4:15 ng hapon kung saan nakatuon ang Cargo Movers sa ikaanim na sunod na panalo. Magtatapat naman ang Cignal at Generika-Ayala sa ikalawang laro sa ganap na alas-7:00…

Read More

ROACH: THURMAN MAS MABAGAL PA SA KETSUP

(Ni EDDIE G. ALINEA) LOS ANGELES – Nabulaga ang mga bisitang manonood kay eight-division world champion Manny Pacquiao sa nadatnang karatula sa loob ng Wild Card Gym nap ag-aari ni training consultant Freddie Roach dito. Nakasulat kasi ang ganito: “Thurman is slower than Heinz Ketchup. Manny will beat him 57 ways on July 20.” Ipinaliwanag ni Roach ang ibig sabihin ng karatulang iyon, na nagmula sa napanood niyang commercial sa telebisyon ng sikat na brand ng nasabing ketsup, kung saan makikita kung gaano kabagal lumabas ng laman mula sa botelya…

Read More

2019 WORLD CUP OF POOL: PILIPINAS BIGO SA AUSTRIA

phl21

BIGO ang tambalan nina Carlo Biado at Jeff de Luna ng Pilipinas sa mag-partner na sina Albin Oucshan at Mario He ng Austria, 11-3, sa final ng 2019 World Cup of Pool kamakalawa sa Morningside Arena sa Leicester, United Kingdom. Nagbulsa sina Biado at De Luna ng $30,000 bilang runner-up, habang $60,000 naman ang naiuwi ng nagkampeong Austrian players. Nakausad sina Biado at De Luna sa finals nang talunin ang Netherlands duo na sina Neils Feijen at Marc Bijsterbosch, 9-6 sa semifinals. Habang tinalo ng Austria ang Spain team nina…

Read More