GILAS U19 MULING KINAPOS

kai55

(NI JOSEPH BONIFACIO) MULING lumaban hanggang huli, pero kinapos muli ang Gilas Pilipinas youth team at sa pagkakataong ito’y tungo sa 77-72 pagkatalo sa kamay ng Argentina sa ikalawang araw ng 2019 FIBA U19 World Cup kahapon ng madaling araw sa Heraklion Arena sa Greece. Buhat sa 15-22 deficit sa first period, hindi nawalan ng pag-asa ang Nationals nang makahabol, 51-58 papasok sa fourth quarter. Pero, pagdating sa dulo ay tuluyan nang iniwan ng Argentinians, ranked no. 9, ang mga Pinoy, nang rumatsada ito ng 10-2 run upang makapagtayo ng…

Read More

PACQUIAO VIA 10TH ROUND KO – ERIK MORALES

erikpac12

(NI VT ROMANO) SINEGUNDAHAN ni Mexican boxing legend Erik Morales si Hall of Fame trainer Freddie Roach sa prediksyong mana-knockout ni Manny Pacquiao si Keith Thurman. Una nang sinabi ni Roach na gutom sa knockout win si Pacquiao, kaya’t halos patayin nito ang sarili sa ensayo. Para naman kay Morales, matutulog si Thurman sa 10th round. Sa panayam ng EsNews kung saan kasama ng 42-anyos na si Morales ang anak na lalaki, na siyang naging translator nito, sinabi nitong angat si Pacquiao kay Thurman sa ‘ring experience.’ At sa tingin…

Read More

GINEBRA, SMB RERESBAK

ginebra12

MGA LARO NGAYON: (SMART ARANETA COLISEUM) 4:30 P.M. — SAN MIGUEL VS COLUMBIAN 6:45 P.M. — GINEBRA VS ALASKA (NI JJ TORRES)   KAPWA babawi ang defending champion Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa magkahiwalay na laro ngayon sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum. Haharapin ng Ginebra ang Alaska Aces sa alas-6:45 ng gabi, pagkatapos ng tipanan ng Beermen at Columbian Dyip sa alas- 4:30 ng hapon. Parehong galing sa talo ang dalawang koponan, ang Ginebra ay nabigo sa Phoenix Pulse Fuel Masters, 111-103 nitong…

Read More

TRAINING SA ABROAD; BLUE EAGLES MAGPAPALAKAS PA

blue123

(NI JOSEPH BONIFACIO) KAPAPANALO pa lamang sa PBA D-League noong Lunes ay nakatakda nang sumabak sa international training camps ang Ateneo Blue Eagles. Ito ay bilang paghahanda naman sa Season 82 ng University Athletic Association of the Philippines (UUAP). Ang Blue Eagles ay lilipad patungong Greece sa susunod na linggo para sa unang destinasyon ng three-country trip sa buong buwan ng Hulyo o eksaktong dalawang buwan bago magsimula ang UAAP season. “Our goals for the D-League were accomplished and now we’re on to the next stage,” pahayag ni head coach…

Read More

LEBRON BABALIK SA NO. 6

james12

(NI JOSEPH BONIFACIO) PAREHONG jersey no. 23 ang isinusuot ni LeBron James at ang posibleng maging teammate na si Anthony Davis. Kaya isa sa kanila ang magpaparaya. Iyon ay walang iba kundi si James. Ayon sa ulat ng ESPN, ipauubaya ni James ang no. 23 kay Davis, habang siya ay babalik sa dating numero 6. Ang jersey no. 23 ay ginamit ni James habang naglalaro sa Cleveland Cavaliers at sa Lakers nitong nakaraang season. Habang si Davis ay no. 23 ang jersey sa kanyang pitong season sa New Orleans Pelicans.…

Read More

GILAS PILIPINAS YOUTH MAY BITBIT SA GREECE

edusotto12

(NI JOSEPH BONIFACIO) MAY bitbit na kumpiyansa ang Gilas Pilipinas youth team sa pagtungo sa Greece kahapon. Ito’y matapos magtala ng impresibong panalo sa dalawang tune up games kontra Qatar pro club na Al Rayyan sa Doha. Kahapon ay lumipad na patungong Heraklion, Greece ang tropa para sa pagsabak sa FIBA U19 World Cup. Sa nasabing tune-up games, tinalo ng Gilas youth ang Al Rayyan sa iskor na 79-54 at sinundan ng 93-64, kung saan isang rebound lang at double-double output sana si 6’11 Fil-Nigerian AJ Edu sa kanyang 18…

Read More

PETRON, F2 MAGKAKASUBUKAN

volley22

(NI JEAN MALANUM/PHOTO BY MJ ROMERO) MGA LARO NGAYON: (FILOIL FLYING V CENTRE) 4:15 PM — PLDT VS CIGNAL 7:00 PM — PETRON VS F2 LOGISTICS MAGKAKASUBUKAN ang magkaribal na Petron at F2 Logistics sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City. Alas-7:00 ng gabi ang sagupaan ng Blaze Spikers at Cargo Movers, na mag-aagawan sa solo stop spot women’s club tourney. Bago ang Petron-F2 clash, maghaharap naman sa alas-4:15 ng hapon ang PLDT Home Fibr at Cignal sa mga larong ipalalabas sa…

Read More

BACK-TO-BACK TITLE TARGET NG RAPTORS

leonard

(NI JOSEPH BONIFACIO) MATAPOS makatikim ng unang kampeonato, target ng Raptors ang back-to-back championship. At kumpiyansa naman si Raptors president Masai Ujiri na mangyayari ito, pati na ang pananatili ni Kawhi Leonard at ang team core para sa susunod na NBA season. Sa ngayon, pinag-aaralang mabuti ng management ang susunod na hakbang upang mahikayat si Leonard na manatili sa Toronto. “We’re on to the next issue, which for us is coming back and being champions again,” pahayag ni Ujiri kahapon (Manila time) sa kanyang unang news conference dalawang linggo matapos…

Read More

P800-M IBINIGAY NG PAGCOR SA PSC

seagames12

(NI JEAN MALANUM) NAGBIGAY ng P800 million ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa pagpapaayos ng mga pasilidad na gagamitin para sa 30th Southeast Asian Games. Ang tseke na nagkakahalaga ng P800 ay iniabot ni PAGCOR chairperson Andrea Domingo kay PSC chairman William “Butch” Ramirez sa opisina ng PAGCOR kahapon. Kasama sa mga opisyales na dumalo sa turnover ceremony sina PAGCOR President at Chief Operating Officer  Alfredo Lim at directors Gabriel Claudio at Reynaldo Concordia, at PSC Executive Director Merly Ibay. Ang mga…

Read More