POC ELECTIONS INIHIRIT

romasanta12

(NI JEAN MALANUM) HINDI pa tapos ang krisis sa liderato ng Philippine Olympic Committee (POC) na pansamantalang pinamumunuan ni Jose Romasanta, matapos magbitiw sa puwesto si Ricky Vargas noong nakaraang linggo. Si Vargas ang pumalit kay Peping Cojuangco sa eleksyon noong nakaraang taon lang. Sa isinagawang pulong kahapon sa GSIS gymnasium, sa pangunguna ni POC chairman Abraham “Bambol” Tolentino,  isang special election ang inihirit, kung saan pormal na ihahalal ang kapalit ni Vargas. Si Tolentino ay boluntaryong nagbitiw  kasama ni first vice president Romasanta, auditor Jonne Go, treasurer Julian Camacho…

Read More

CURRY GUSTO NA RIN NG OLYMPIC GOLD

curry12

(NI JOSEPH BONIFACIO) KATULAD ng ibang NBA superstars na nagsuot ng uniporme at lumaro bilang kinatawan ng kani-kanilang bansa sa Olympic Games, si three-time NBA champion Steph Curry ay nakatuon na rin ang atensyon sa quadrennial competition – ang 2020 Tokyo Olympics – at ang manalo ng gintong medalya na kukumpleto sa kanyang career bilang basketbolista. Ang Golden State Warriors sharp-shooter, na bagamat may world titles na rin bilang bahagi ng Team USA, ay hindi pa nakakasali sa Olympics, matapos na hindi sumabak sa 2016 Rio Olympics dahil sa injury.…

Read More

HIDDEN EAGLE DINAGIT ANG 5TH PPP RACE

PPP race

(PHOTO BY JHAY JALBUNA) ISANG makapigil-hiningang bakbakan sa meta ang nasilayan ng mga karerista  sa naganap na PHILRACOM Charity Race 5th PPP sa Santa Ana park, Naic, Cavite. Pagsungaw ng rekta, nagkapanabayan sina Oasis at Lollipop , ngunit bigla lang nirematehan nina Hidden Eagle at Speak Easy. Nagpakitaan ng talento ang dalawang hinete na sina class A riders John Alvin Guce na sinakyan si Hidden Eagle at Jeffril Zarate na sumakay kay Speak Easy. “Ang galing ng mga hinete siyempre pati kabayo, sana palaging ganyan ang labanan,” hayag ni Lito…

Read More

AIR FORCE LAWIN KAMPEON

paf44

IBINULSA ng Philippine Air Force (PAF) Lawin ang 2019 PBL Open title sa pamamagitan ng 7-4 win kontra Thunderz all Star team, Linggo sa Rizal Memorial Baseball Stadium. Si veteran national team pitcher Romeo Jasmin ang nagpakitang-gilas sa laban, kung saan sa kabila ng hinayaan ang nine hits sa seven innings na laro, ang dating Adamson University standout at inangklahan ang depensa sa pagpapatalsik sa walong kalaban sa base. Matapos ang scoreless first frame, ang PAF Lawin ay ‘nagwala’ nang si Aids Bernardo ay kumana ng magkasunod na hits, bago…

Read More

CAYETANO DAPAT SUMUNOD SA POC

cayetano12

(NI JEAN MALANUM) KIKILALANIN pa rin ng Philippine Olympic Committee (POC) si Taguig Congressman-elect Allan Peter Cayetano bilang chairman ng ad hoc committee para sa hosting ng 30th Southeast Asian  Games. Ayon kay POC acting president Jose Romasanta, si Cayetano ay mananatiling head ng organizing committee dahil siya ang itinalaga ni dating POC president Jose “Peping” Cojuangco noong 2017. “The PHISGOC, however, has to function as a mere committee under the Olympic council rule and not as chief of the Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) Foundation, Inc., different…

Read More

F2, ITUTULOY ANG PANALO

dindi12

(NI JOSEPH BONIFACIO) LARO NGAYON: (IMUS SPORTS CENTER) 2:00 P.M. – STA. LUCIA VS PLDT 4:00 P.M. – F2 LOGISTICS VS FOTON   IMUS CITY — Hahablot ang F2 Logistics ng ikatlong sunod na panalo sa pakikipagtipan sa Foton sa Philippine Superliga All-Filipino Conference ngayon sa Imus Sports Center dito. Pipilitin ng Cargo Movers na maituloy ang kanilang winning run kontra Tornadoes sa alas-4:00 ng hapong laro. Bago ito, maghaharap muna ang PLDT Home Fibr at Sta. Lucia na reresbak mula sa nakaraang kabiguan sa alas-2:00 ng hapong sagupaan. Dahil…

Read More

‘PAG NASAKTAN NI PACQUIAO, THURMAN TATAKBO

PACMAN21

PINAG-ARALANG mabuti ni Hall of Fame trainer Freddie Roach ang huling tatlong laban ni undefeated WBA welterweight super champion Keith Thurman, partikular ang laban nito kay Josesito Lopez nito lamang Enero. At iisa ang napansin ni Roach. Tumatakbo si Thurman kapag nasasaktan. Kaya naman, kung ano ang ginawa ni Manny Pacquiao nang talunin si Adrien Broner noon ding Enero, kung saan kada round ay hindi niya tinantanan ang kalaban, ganito rin ang nais ni Roach na gagawin ng Pambansang Kamao kay Thurman sa Hulyo 20 sa Las Vegas. “If you…

Read More

PALICTE KINAPOS, NABIGO SA WBO SUPER FLYWEIGHT TITLE BOUT

PALICTE12

(NI ARIEL BORLONGAN) KINAPOS ng hangin si Aston Palicte ng Pilipinas kaya napatigil siya ni Kazuto Ioka sa 10th round ng kanilang sagupaan upang lumikha ng kasaysayan nang maging kauna-unahang Hapones na four-division world champion kamakalawa ng gabi sa Makuhari Messe sa Chiba City, malapit sa Tokyo, Japan. Natamo ni Ioka ang WBO super flyweight title upang idagdag sa mga una niyang hinawakan na WBC at WBA minimumweight titles, WBA light flyweight belt at WBA flyweight crown. Malakas sa mga unang rounds si Palicte na pinupog ng mga suntok si…

Read More

7TH WIN IKOKONEKTA NG KATROPA

jones12

(NI JJ TORRES) MGA LARO NGAYON: (CUNETA ASTRODOME) 4:30 P.M. — TNT KATROPA VS COLUMBIAN 7 P.M. — SAN MIGUEL VS ALASKA BALAK solohin muli ng TNT KaTropa ang top spot ngayong hapon sa laban nila ng Columbian Dyip sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome. Magsisimula ang laro sa ganap na alas-4:30 ng hapon kung saan ang KaTropa, sa pangunguna ng import na si Terrence Jones, ay balak sungkitin ang ikapitong panalo sa walong laro ng midseason conference. Si Jones ay galing sa pag-score ng career-high 49 points nang…

Read More