MAPAPASABAK ngayong alas-sais ng hapon ang Philippine national basketball team kontra India sa ikalawang araw ng 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa SMART Araneta Coliseum. Dapat sana’y kahapon ang debut game ng Gilas Pilipinas laban sa karibal na South Korea, subalit iniskrap ang nasabing laro matapos mag-backout noong Martes ang Korean team nang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa mga manlalaro nito. Buong koponan ay sumailalim sa COVID-19 test noong Lunes at dahil lahat ay ‘closed contact’ ng nagpositibo, nagdesisyon ang Korea Basketball Association (KBA) na mag-withdraw na lang…
Read MoreCategory: SPORTS
E-SABONG OPERATORS, GOOD TAXPAYERS
MATAGAL nang hinahabol ng gobyerno ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil daw sa hindi maayos na pagbabayad ng buwis. Pero mas pinaigting ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga polisiya nito kaya may pag-asa pang makabawi sa koleksyon sa buwis sa POGOs. Malapit na raw kasing magbalikan ang mga operators at mga dayuhang empleyado ng POGOs sa bansa. Umarangkada na kasi ang implementasyon ng Republic Act 11590 o mas kilala sa tawag na POGO tax law. Nang ipatupad daw ang batas noong Oktubre ng nakalipas na taon ay…
Read MoreSIXERS TUMIKLOP SA SUNS
BALITANG NBA Ni VT ROMANO TOP scorer si Devin Booker sa panalo ng Phoenix Suns laban sa host Philadelphia 76ers, 114-109, Martes ng gabi (Miyerkoles sa Manila). Pero malaking bahagi ng panalo ay buhat kay Chris Paul, may 16 points at 12 assists tungo sa kanilang NBA-high 44th win. Back-to-back win ito ng Suns, matapos palubugin ang Chicago Bulls, 127-124, Lunes ng gabi. Inaasahang muling aarangkada si Paul laban sa defending champion Milwaukee Bucks sa susunod nilang laro. “You’re a cold piece of work, CP3,” komento ni Booker. Hinabol ng…
Read MoreHIDILYN DIAZ, UNANIMOUS 2021 ATHLETE OF THE YEAR
MAYROON pa bang mas karapat-dapat tanghaling Philippine Sportswriters Association (PSA) 2021 Athlete of the Year maliban kay weightlifter Hidilyn Diaz? Wala na. Sa pagbibigay ng karangalan at pagguhit ng kasaysayan ng Philippine sports, unanimous ang pagkakahirang kay Diaz para sa pinakamataas na karangalang ipinagkakaloob ng oldest media organization sa bansa. Tinapos ni Diaz ang napakahabang panahong pagtatangka ng Pilipinas sa gintong medalya sa Olympic Games, nang hablutin niya ito sa women’s 55-kg event sa Tokyo Olympiad. Kaya naman, marapat lamang na igawad sa kanya ang karangalan sa taunang San Miguel…
Read More‘DI NAGSASAWANG GUMASTOS
LILIGAWAN umano ni Manny V. Pangilinan, chairman emeritus ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang Fiba central board, upang payagan si NBA 2021 Sixth Man awardee Jordan Clarkson ng Utah Jazz para lumaro sa Gilas Pilipinas bilang local player sa 2023 World Cup. Ayon ito kay Gilas coach Chot Reyes nang mag-guest sa Radyo5’s Power and Play with Noli Eala. Wow! NBA player sa Gilas team! Magandang ideya. Maganda nga ba? Minsan na ring pinaunlakan ni Clarkson ang Pilipinas nang lumaro sa national team noong 2018 Asiad sa Indonesia under…
Read MoreNETS GINUTAY NG NUGGETS
HINDI pa oras para mag-panic ang Brooklyn Nets, ayon kay head coach Steve Nash. Ito’y matapos malasap ang ikawalong sunod na talo, Linggo ng gabi (Lunes sa Manila) sa kamay ng host Denver Nuggets, 124-104. Umiskor si Nikola Jokic ng 27 points, may 12 rebounds at 10 assists para sa Denver. Si Jokic, may NBA-best 14 triple-doubles sa season, ay umiskor ng 23 points sa second at third period, habang naghahabol ang Denver ng pitong puntos at kunin ang 21-point lead. “We rebounded better in the second half, we made…
Read MoreLAKERS PINASAN NI JAMES vs KNICKS
LIMANG larong absent si LeBron James sanhi ng left knee soreness. Sa kanyang pagbabalik sa laro, parang walang nangyari sa kanyang tuhod at inakay ang host Los Angeles Lakers sa 122-115 overtime win laban sa New York Knicks, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). Inilista rin ni James ang 103rd career triple-double, matapos umiskor ng 29 points, may 13 rebounds at 10 assists sa 40 minuto. Itinakas din niya ang Lakers mula sa 21-point first-half deficit, pinakamalaking comeback win sa season. Dinomina ng Knicks ang first half kasunod ng 21-6…
Read MoreBakit ayaw magpabakuna ng maraming Pilipino?
NOONG Hulyo ng nakaraang taon, masayang-masayang ibinalita ng inyong lingkod na ako po at ang aking kabiyak na si Annie ay kapwa fully vaccinated na. Iyon ay matapos naming matanggap ang aming second dose ng Pfizer vaccine. Sino ba ang hindi magagalak kung malaman mo na kahit paano ay ligtas ka na sa COVID? Mali pala! Ilang buwan lamang ang nakalipas ay ginulat tayo ng balitang kailangan pa ng booster shot para maging ligtas sa virus. Sabi’y anim na buwan matapos ang 2nd dose ang pinakamainam para sa booster shot.…
Read MoreFIBA Asia Cup 2022 draw KALABAN NG GILAS KIKILATISIN
Ni ANN ENCARNACION SA Pebrero 18 malalaman ang mga makakasagupa ng Gilas Pilipinas, sa gaganaping FIBA Asia Cup 2022 draw sa Beirut, Lebanon. Matutukoy sa draw ang apat na grupong koponan na lalahok sa FIBA Asia Cup mula Hulyo 12-24, 2022 sa Jakarta, Indonesia. Kabuuang 16 na koponan ang magtatagisan na kinabibilangan ng host Indonesia, defending champion Australia, Bahrain, China, Chinese Taipei, India, Iran, Japan, Jordan, Kazakhstan, Korea, Lebanon, New Zealand, Philippines, Saudi Arabia at Syria. Ang FIBA Asia Cup 2022 draw ay magkakaroon ng live streaming sa FIBA YouTube…
Read More