BALIK kompetisyon na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos maoperahan sa tuhod nitong nakaraang buwan. Limang indoor pole vault tournaments ang lalahukan ngayong buwan ng kontrobersyal na Tokyo Olympian, na patuloy na naiipit sa gusot sa kanyang national sports association (NSA), Philippine Athletics Track and Field Associaton (PATAFA). Ayon sa Instagram post ni Obiena, una siyang sasabak sa ISTAF Indoor Athletics Meet sa Berlin, Germany sa Pebrero 4 kung saan idedepensa niya ang napanalunang gold medal nang makapagtala ng 5.80 metro. Kasunod nito ang Italy-based Beijier Pole Vault Gala…
Read MoreCategory: SPORTS
‘Pinas ibabandera ni EJ Obiena sa SEA Games at Asiad
HANDA ang Philippine Olympic Committee na suportahan si pole vaulter Ernest John “EJ” Obiena sa dalawang malalaking kompetisyong nakatakda ngayong taon na Southeast Asian Games at Asia Games. Ito ay sa kabila ng pagsuspinde ng tulong pinansiyal kay Obiena ng kinaaanibang national sports agency na Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) dahil sa hindi pa natatapos na sigalot sa pagitan nila. Nakatakdang ipagtanggol ng Pilipinas ang pangkalahatang kampeonato sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa darating na Mayo. Sisikapin din ng mga pambansang atleta na mahigitan ang apat…
Read MoreMELINDO AT DAPUDONG MAGBABALIK
TULAD ni World Boxing Council (WBC) Bantamweight champion Nonito Donaire Jr., asam na matagumpay na makabalik din nina dating world champion Milan Melindo at Edrin Dapudong. Si dating IBF light flyweight titleholder Melindo ay inaasahang lalaban sa Zamboanga City sa Marso. Mas mauuna namang sumabak sa ring si IBO super flyweight champion Dapudong, na makakatapat si Mark Glen Ataran sa Pebrero 6 sa Digos, Davao del Sur. Naging inspirasyon ng dalawa ang tinaguriang ‘Filipino Flash’ na si Donaire, na muling naging world champ noong Mayo 29, 2021 nang pabagsakin si…
Read More1st TITLE DEFENSE NI MAGSAYO NILULUTO NA
Ni VT ROMANO HINDI pa man nag-iinit sa mga kamay ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang WBC featherweight crown, may niluluto nang laban ang boxing body para sa kanyang title defense. Sa pinakahuling edition ng WBC’s weekly ‘Coffee Tuesdays’ online meeting na inilabas ng boxingscene.com, napag-alamang inihahanda nang iatas ng sanctioning boxing body na idepensa ni Magsayo ang 126-lbs. belt kay undefeated Mexican former junior featherweight champion Rey Vargas (35-0, 22KOs). Wala namang nabanggit na petsa at kung saan gagawin ang laban. Ang 26-anyos na si Magsayo (24-0, 16KOs) ay kapapanalo…
Read MoreEumir Marcial, naghahanda na sa mga laban sa 2022
DAIG ng maagap ang masipag. Ito ang panuntunang palaging sinusunod ni Tokyo Olympic Games bronze medalist Eumir Marcial simula pa noong siya’y nasa amateur hanggang maging propesyunal na boksingero. Kaya hindi katakatakang lumipad agad siya noong Miyerkoles patungong Amerika upang paghandaan ang mahahalagang labang haharapin niya ngayong taon – ikalawang pro boxing fight niya sa Abril, 31st Southeast Asian Games sa Mayo, at Asian Games sa Setyembre. Nadala sa karanasang nalasap niya sa pananalasa ng COVID-19 pandemic, na nagsilbing hadlang sa kanyang preparasyon sa Olimpiyada at misyong handugan ang bansa…
Read MoreMAGSAYO BINATI NI PACQUIAO
ISA si retired eight division world champion Manny Pacquiao sa mga unang bumati kay new Boxing Council (WBC) featherweight champion Mark “Magnifico” Magsayo. “Congratulations @markmagsayo_MMM on your first world championship! Thank you for bringing honor to our country by becoming the latest Filipino world boxing champion. Welcome to the club,” post ni Pacquiao sa kanyang Twitter account, ilang minuto matapos maagaw ni Magsayo ang titulo ni Gary Russell Jr. Umangat ang record ni Magsayo sa 24-0 panalo-talo at 16 knockouts, at naging ika-limang Pilipinong kampeon sa mundo. Ang apat na…
Read MoreMark ‘Magnifico’ Magsayo: BAGONG HARI NG WBC
MAKALIPAS ang siyam na taon, natupad na ni Mark ‘Magnifico’ Magsayo ang kanyang pangarap. Sabado ng gabi (Linggo sa Manila) sa Borgata Event Center sa Atlantic City, New Jersey, inagaw ng 26-anyos na si Magsayo ang World Boxing Council (WBC) featherweight crown sa pamamagitan ng majority decision laban kay Gary Russell Jr. Dalawang judge ang nagbigay kay Magsayo ng iskor na 115-113, habang ang ikatlong judge ay nagbigay ng 114-114. “This is my dream come true, pangarap ko ito mula pa noong bata ako,” sambit ni Magsayo matapos ang laban.…
Read MoreOKC NAISAHAN NG CAVS
MULING inakay ni Darius Garland, may 23 points at 11 assists, ang host Cleveland Cavaliers tungo sa 94-87 win kontra Oklahoma City Thunder, Sabado ng gabi (Linggo sa Manila). Nakapagtala si Garland ng at least 20 points at 10 assists sa ikaapat na sunod na laro. Naglista si rookie Evan Mobley ng 15 points at season-high 17 rebounds sa ikaanim na panalo ng Cleveland sa pitong laro. Nag-ambag din si Jarrett Allen ng 14 points at 13 rebounds. Ito ang ikalimang sunod na kabiguan ng Thunder at pang-12 sa huling…
Read MoreGRIZZLIES SOPLA SA BUCKS
BALITANG NBA Ni VT ROMANO KINAPOS ng tatlong assists si Giannis Antetokounmpo para sa kanyang ikaapat sanang triple-double sa season, sa 126-114 win ng Milwaukee Bucks kontra Memphis Grizzlies, Miyerkoles ng gabi (Huwebes sa Manila) sa Wisconsin. Unang road loss ito ng Grizzlies mula noong Disyembre 23. Nangulekta si Antetokounmpo ng 33 points, 15 rebounds at seven assists, may 12-of-25 shots para tulungan ang Bucks makawala sa two-game skid. Tumulong si Khris Middleton ng 27 points at sina Bobby Portis at George Hill, tig-14 puntos. Nag-ambag naman si Pat Connaughton…
Read More