ANIM na kabataang weightlifters ang mag-rerepresenta sa Pilipinas sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships na gaganapin sa Jeddah, Saudi Arabia mula Oktubre 5-12. Ang anim na pambato ng bansa ay sina Jeaneth Hipolito, Rose Jean Ramos, Lovely Inan, Albert Ian delos Santos, Adrian Cristobal at Christian Rodriguez. Bubuhat para sa women’s 40kg category si Hipolito, sa women’s 45kg si Ramos, at 49kg event si Inan. Sasabak naman sa men’s 67kg category si Rodriguez, samantalang parehas na swak sa 61kg event sina Delos Santos at Cristobal. Tatlong gintong…
Read MoreCategory: SPORTS
Kahit Hotshots angat na ng 1 sa Bolts SANGALANG KALMA LANG
Ni ANN ENCARNACION BANTAY-SARADO kay Magnolia big man Ian Sangalang hindi lang ang kanyang mga kalaban kundi maging ang kanyang emosyon habang naglalaro. Ayon sa 6-foot-10 Hotshots, hanggang maaari ay ayaw niyang magpadala sa kanyang emosyon sa gitna ng laro upang hindi masira ang pokus niya na manalo. “Sabi nga ni coach Chito (Victolero) semis na ito, kaya mataas talaga ang emotion,” sabi ni Sangalang sa post game ng best-of-seven semis ng 2021 PBA Philippine Cup sa pagitan ng Magnolia at Meralco noong weekend kung kailan nakuha ng Hotshots ang…
Read MoreTHIRDY RUMESBAK KAY KIEFER
“I guess, he gets the last laugh.” Ito ang inamin ni Kiefer Ravena ng Shiga Lakestars matapos silang talunin ng kanyang nakababatang kapatid na si Thirdy Ravena at ng San-En NeoPhoenix noong Linggo sa pagpapatuloy ng 2021-22 B.League season. Kumamada si Thirdy ng 21 puntos, seven rebounds, five assists, kasama ang clutch three pointer para selyuhan ang 101-96 overtime win ng San-En kontra Shiga. Nauna rito, noong Sabado ay naungusan ng Lakestars ang NeoPhoenix, 93-83, sa unang tapatan ng magkapatid sa Japanese league. Nakapagtala si Kiefer ng 11 points at…
Read More6 TEAMS AGAWAN KAY SIMMONS
BALITANG NBA Ni VT ROMANO ANIM na koponan ang interesado kay Ben Simmons. Ang Minnesota Timberwolves, Indiana Pacers, Cleveland Cavaliers, Detroit Pistons, Toronto Raptors at San Antonio Spurs. Ngunit, sa ngayon nananatili si Simmons sa Philadelphia at tumatanggap ng parusa sa bawat pagliban sa training camp. Napag-alaman mula sa league source, na kinaltasan ng Sixers ng 25% ($8.25 millon) ang sahod ni Simmons noong Biyernes at ang nasabing halaga ay inilagay sa ‘escrow account. Nakasaad sa kanyang kontrata na tatanggap siya ng 50% ngayong season mula sa $33 million sahod…
Read MorePangkat ni RSA at MVP na naman sa PBA PH Cup semis
MERON na bang nabago sa tanawin sa PBA, ang kauna-unahang ligang propesyonal sa basketball dito sa Pilipinas at sa Asya? Kung ang pag-uusapan ay ang mga kaganapang nangyari sa katatapos na elimination at quarterfinal rounds ng semi-bubble 2021 Philippine Cup, ang sagot ay ‘walang malaking pinagbago.’ Ang mga koponang ari ng San Miguel Corp. ni businessman-sportsman Ramon Ang (RSA) ay nakikitang muling magdodomina ng All-Filipino Cup. At sa malas, ang titulong itinuturing na pinaka-prestihiyoso sa tatlong torneong regular na inihahain ng liga sa mesa na balak mabawi ng San Miguel…
Read MoreCONE NAG-SORRY SA GINEBRA NATION
WALANG dapat sisihin sa maagang pag-exit ng Barangay Ginebra sa 2021 PBA Philippine Cup kundi ang coach ng koponan na si Tim Cone. Diniskaril ng top seed TNT ang defending champions Ginebra sa All-Filipino conference quarterfinals sa iskor na 84-72, Huwebes sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. “I can’t find the words to express our sorrow and embarrassment over our performance in the bubble. We didn’t live up to the Ginebra legacy, and that was totally my fault.” tweet ni Cone matapos ang laro. Humingi rin…
Read MoreMalusutan kaya ng TNT ang SMBeer?
ISANG problema ang nalampasan ng Talk ‘N Text Tropang Giga matapos nilang opisyal na patalsikin sa quarterfinals at tanggalan ng korona ang nagtatanggol na Philippine Cup champ Barangay Ginebra Gin Kings, 84-71, noong Miyerkoles ng gabi sa Don Honorio Ventura University Gym sa Bacolor, Pampanga. Nakamit ng top seed na Katropa ang unang upuan sa semifinal round ng semi-bubble conference. Ngunit ayon kay comebacking coach Chot Reyes, mas malaking suliranin ang haharapin nila sa susunod na round. “We just finished with one problem and now it’s on to the next…
Read MoreBOMBITA LUMIPAT NG CIGNAL
MULA sa Balipure ay lipat-bakod na sa Cignal HD si veteran open hitter Graze Bombita. Sa social media pages ng HD Spikers, pormal na ipinakilala ng koponan noong Huwebes ang pinakabagong armas nila sa susunod na season ng Premier Volleyball League (PVL). “Graze Bombita is ready to detonate and score some points for the #AwesomeNation!” Naglaro pa si Bombita para sa Purest Water Defenders sa 2021 PVL Open Conference at isa sa mga naging Player of the Week. Sa kabila ng maganda niyang performance ay nagkasya lang ang Balipure sa…
Read MoreNORTHPORT PINAUWI NG SMB
HINDI lang winalis, nilampaso pa ng San Miguel ang NorthPort, 100-95, sa Game 2 ng best-of-three 2021 PBA Philippine Cup quarterfinals kahapon sa Don Honorio Ventura State University gym sa Bacolor, Pampanga. Dahil sa panalo, ang Beermen ang may pagkakataong harapin ang nangungunang TNT sa best-of-seven semifinals. Bumida para sa SMB si CJ Perez sa natipong 21 puntos, habang nag-ambag sina Mo Tautuaa ng 17 at 15 si Marcio Lassiter. Samantala, dobleng depensa ang inilatag ng Beermen laban kay Batang Pier Robert Bollick na nagpahirap sa kanila sa Game 1.…
Read More