15-YR OLD PINOY, ASIA’s NO.1 SQUASH PLAYER

NAGTALA ng kasaysayan ang 15-anyos na miyembro ng pambansang koponan na si Christopher Buraga matapos tanghaling No. 1 squash player sa Asia sa Boys Under 17. Si Buraga, kaaakyat lamang sa Boys Under 17 category nang mag-15 taon noong Marso 8, ay nagtala ng total score na 643.50 ngayong Oktubre upang pamunuan ang Boys Under 17 ranking sa Asia. Nakamit niya ito nang dominahin ang CMS Junior Open sa Borneo Sarawak, Malaysia at Lion City Junior Championship sa Singapore, kasama pa ang 2nd place finish sa Asian Junior Individual Championship…

Read More

YULO FAMILY MAY REUNION

MAGKAKAROON ng reunion si Tokyo Olympian Carlos Edriel “Caloy” Yulo at kanyang pamilya ngayong kapaskuhan. Nakatakdang umuwi ang Japan-based na si Yulo sa huling bahagi ng taon para sa pagbabasbas ng 2,000-square meter Gymnastics Training Center (GTC) sa Victoria corner Basco sa Intramuros, na magiging bagong tahanan ng kinaaaniban niyang Gymnastics Association of the Philippines (GAP). Isang dating warehouse ang ngayon ay halos 40 porsiyento nang tapos na pasilidad at ginastusan ng higit P5 million para maging GTC. Ang rentang P250,000 kada buwan ay aakuin ng Philippine Sports Commission. Ayon…

Read More

IWF Youth World Championships BRONZE SA 14-ANYOS PINAY LIFTER

Ni ANN ENCARNACION IMPRESIBONG sinimulan ni Batang Pinoy multi-medalist Jeaneth Hipolito ng Zamboanga City ang kampanya ng Pinoy lifters sa International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championships sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. Nakasungkit ng tansong medalya ang 14-anyos na si Hipolito sa ­women’s 40-kilogram division matapos bumuhat ng 52kg sa snatch. Napunta ang ginto kay Ezgi Kilic ng Turkey nang bumuhat ng 55 kg sa snatch, 70kg sa clean and jerk at makapagtala ng total 125kg. Naka-silver si Sofia Lawren Velez Estada ng Colombia nang bumuhat ng 53kg sa…

Read More

2021 AVC Asia Men’s Club Volleyball Championship REBISCO MEN’S TEAM GAGANTI

Ni ANN ENCARNACION NASA Thailand na para sa 2021 AVC Asian Men’s Club Volleyball Championship ang Rebisco men’s volleyball team. Sisimulan ng koponan sa ­pangunguna ni team captain John Vic De Guzman, ang kampanya ng Rebisco men’s volleyball team sa Thailand sa Biyernes. Bumiyahe Miyerkoles ng gabi ang national men’s squad upang ipagpatuloy ang magandang na­simulan sa kanilang historic silver medal finish noong 2019 Southeast Asian Games na ­ginanap sa bansa. Naniniwala si coach Dante ­Alinsunurin na kahit hindi nakasama sina Marck Espejo at Bryan Bagunas, maglalaro para sa Tokyo…

Read More

POOLE PAKITANG GILAS AGAD

BALITANG NBA Ni VT ROMANO WAGI ang Golden State ­Warriors sa preseason opener nito kontra Portland Trail Blazers, 121-107, Martes (Manila time). Umiskor si Jordan Poole ng 30 points sa loob lang ng 22 minuto para sa Warriors, na nagpaulan ng 40 puntos sa third period para kontrolin ang laro. Nagdagdag naman si Otto Porter ng 19 points (off the bench). Habang sina Andrew Wiggins at Stephen Curry ay may tig-13 points. May 6 for 8 shot si Damian Lillard, kasama ang 5 for 7 (beyond the arc) tungo sa…

Read More

2021 World Classic Powerlifting Championships PH LIFTERS HUMAKOT NG 11 MEDALS

MANINGNING ang kina­bukasan ng Pinoy weightlifters kung pagbabasehan ang katatapos lang na 2021 World Classic Powerlifting Championships sa Halmstad, Sweden. Kabuuang 11 medalya (4 golds, 2 silvers, 5 bronzes) ang napanalunan ng Philippine powerlifting team sa nasabing torneo. Pinaka-impresibo si powerlifter Veronica Ompod, na nagreyna sa 43kg women’s junior division nang humakot ng 4 gold medals. Isang silver at bronze medal ang nakopo ni Joyce Gail Reboton sa women’s -76kg open cate-gory, habang isang silver ang nasungkit ni Agustin Lorenzo sa -74kg men’s sub-junior division. Kumolekta naman ng apat na…

Read More

MALDITAS BUBURAHIN

PLANO ng Philippine national women’s football team na palitan ang taguri sa koponan bilang ‘Malditas.’ Sinabi ni PWFT head coach Marlon Maro, na kasama sina assistant Rose Ton Barinan at midfielder Roselle Bedano na dumalo sa kada Martes na Philippine Sportswriter Association (PSA) Forum, matagal na niyang pinag-iisipan kung bakit negatibo ang tawag sa koponan na malayo sa tunay na pag-uugali ng mga miyemro nito. “I don’t know how it started. I don’t know this moniker and of this thing. But personally, if you ask me, I don’t like this…

Read More

TNT, MAGNOLIA DADALAWA; SMB, MERALCO RERESBAK?

Ni ANN ENCARNACION INAASAHANG mas iinit pa ang bakbakan sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals ngayong Miyerkoles sa pagitan ng TNT Tropang Giga at San Miguel Beermen, at Magnolia Hotshots at Meralco Bolts. Unang magsasalpu­kan ang No.1 seed Tropang Giga at No. 4 Beermen sa ganap na alas-3 ng hapon bago ang sagupaan ng Hotshots at Bolts sa ganap na alas-6 ng gabi. Angat ng isang game ang TNT sa SMB matapos maitakas ang 89-88 pa­nalo noong Linggo. May isang puntos na rin ang Magnolia kontra Meralco makaraang…

Read More

TNT seryoso, determinadong maging 2021 Philippine Cup champ

PBA OUTLOOK Ni EDDIE ALINEA IPINAGPATULOY ng Talk ‘N Text Tropang Giga ang pagpapamalas sa kanilang determinasyong mahandugan ang Manny V. Pangilinan (MVP) Group ng kampeonato sa PBA na anim na taon nang di nalalasap ng prangkisa. Noong Linggo, sa simula ng best-of-seven semifinal round series ng 2021 PBA Philippine Cup semi-bubble, itinuloy ng Katropa ang kanilang pananalasa sa ika-46 season ng liga sa pamamagitan ng 89-88 pagsupil sa mahigpit na karibal na San Miguel Beer sa DHVU Gym sa Bacolor, Pampanga. Ang panalo ay ika-12 na ng Katropa mula…

Read More