WELCOME relief para sa Magnolia Hotshots ang isang buwang pagkabalam ng 2021 PBA Philippine Cup dahil nakapagpagaling sa injury ang kanilang star player na si Paul Lee. Kaya tiniyak ni Magnolia head coach Chito Victolero na maglalaro si Lee sa game kontra Meralco ngayong alas-6 ng gabi sa DHVSU Gym sa Bacolor, Pampanga. Si Lee, may averaged 16.0 points, 2.3 rebounds at dalawang assists sa apat na games ay nagkaroon ng strained right hamstring sa laban ng Hotshots at Terrafirma noong Agosto 1. Nangunguna sa team standings ang Hotshots na…
Read MoreCategory: SPORTS
2021 PBA Philippine Cup TRIPLE-HEADER COMEBACK
Ni ANN ENCARNACION SIKSIK, liglig ang pagpapatuloy ng naunsiyaming 2021 PBA Philippine Cup ngayon Miyerkoles sa Don Honorio Ventura State University Gym sa Bacolor, Pampanga. Dahil sa isang buwang natigil ang games sa Ynares Sports Arena sa Pasig (dahil sa pangamba sa COVID-19 variant), tatlong pares na teams agad ang magsasalpukan sa pagbabalik ng All-Pinoy Cup. Sisikapin ng TNT Tropang Giga na mapanatili ang imakuladang 3-0 kartada sa pagsagupa sa wala pang panalong Blackwater Elite (0-4) sa 12:30 ng tanghali. Susundan ito ng salpukan ng umaangat na San Miguel Beermen…
Read MoreOLYMPIC GOLD SA 2024 PARIS, KAYA!
NANINIWALA si House Deputy Speaker Eric Martinez na matapos maka-gold medal sa Tokyo Olympics si Pinay weightlifter Hidilyn Diaz, posibleng masundan pa ito sa 2024 Paris at mga darating pang edisyon. “Meron na tayong blueprint na susundin. Nakita na natin mismo kung paano makakamit ang gintong medalya. Kailangan na lang natin magtulungan,” sabi ni Martinez sa pagdalo sa tuwing Martes na Philippine Sportswriters Association (PSA) forum. Pinamunuan ni Martinez kamakailan ang grupo ng mga kongresista na nagfile naman ng bill noong Huwebes para maitakda ang pag-emorialize sa kabayanihan ng mga…
Read MoreTHIRDY EXCITED SA B.LEAGUE COMEBACK
INSPIRADO si Thirdy Ravena sa kanyang muling paglalaro sa Japan B.League. Ipinasilip pa niya sa kanyang Instagram post ang ginagawang paghahanda para sa kanyang pagbabalik sa San-en NeoPhoenix. Ang pinost na picture ay nilagyan niya ng caption na: “Season’s gonna be exciting @neophoenix_official.” Pumirma ng multi-year extension sa nasabing team si Ravena matapos ang ’interesting performance’ noong nakaraang season. Magugunitang sa kanyang debut season sa B.League ay naging limitado ang pagdribol ng 24-year-old Pinoy para sa NeoPhoenix nang dalawang beses na-injure at nagpositibo pa sa COVID-19 test. Sa kabila nito,…
Read MoreU.S. STINT NAKATULONG KAY ANIMAM
Ni ANN ENCARNACION PARA sa Pinay basketball star na si Jack Animam, malaki ang naitulong sa kanyang karera ng paglalaro sa Amerika. Katunayan, ito ang naging daan upang madiskubre siya ng Serbian team Radnicki Kragujevac. Naglaro si Animam para sa Zone 6 Celtics sa Atlanta Entertainment Basketball League (AEBL). Dito ay pinarangalan siya bilang Rising Star at napabilang sa AEBL Women’s First Team. “Playing in the AEBL was really a good experience and good exposure for me. Seeing those WNBA players that I just got to see on TV, on…
Read MoreMga Pilipinong bayani ng sports at digmaan
PINARANGALAN ng Philippine Sports Commission ang apat na bayani ng bansa sa palakasan sa pamamagitan ng pagpapalit ng pangalan sa ilang bahagi ng makasaysayang Rizal Sports Complex. Pinangunahan ni weightlifter Hidilyn Diaz ang mga pinarangalan kabilang ang swimmer na si Teofilo Yldefonso, high jumper Simeon Toribio at tennis player na si Felicisimo Ampon. Dahil sa kanyang naiuwing gold medal mula sa XXXII Games, 97 taon mula nang sumali ang bansa sa Olimpiyada, ang weightlifting gym sa loob ng RSMC ay pinangalanang Hidilyn Diaz Gym. Samantala, ang katabi nitong aquatic center…
Read MoreFIBA Basketball World Cup 2023 TEAMS REVEAL SA QUALIFIERS DRAW
ISASAGAWA na ang official qualifiers draw ng FIBA Basketball World Cup 2023 Qualifiers sa Martes (Agosto 31) sa Patrick Baumann House of Basketball sa Mies, Switzerland. Ang qualifiers draw ang tip-off sa pinaghahandaan ng Gilas Pilipinas na “Road to the FIBA Basketball World Cup 2023.” Binubuo ng anim na windows ang World Cup na lalaruin sa loob ng 15 buwan sa apat na rehiyon ng Africa, Americas, Asia/Oceania at Europe. Kabuuang 80 bansa ang mag-aagawan para sa 32 silya sa championship, tampok ang inaabangan ng basketball fans na home and…
Read MorePH POLE VAULT RECORD ITINAAS PA NI OBIENA
Ni ANN ENCARNACION INANGAT pa ni Ernest John “EJ” Obiena ang kanyang personal best jump sa pagtatala ng bagong Philippine pole vault record sa Wanda Diamond League sa Paris. Binura ng 25-anyos na Pinoy ang kanyang dating national record na 5.85 meter sa pagtatala ng bagong 5.91m mark sa nasabing torneo. Tumapos si Obiena sa ikalawang puwesto sa Paris, sa likod ni world record holder at 2020+1 Tokyo Olympics gold medalist Armand Duplantis ng Sweden na nagawang tumalon ng 6.01m. Pumangatlo naman si Christopher Nielsen ng USA sa naitalang 5.81metro.…
Read MoreSECOND CHANCE KAY GAWILAN
MULING magtatangkang makasikwat ng medalya ang Pilipinong decorated para-swimmer na si Ernie Gawilan, na sasabak sa 2020+1 Tokyo Paralympics men’s 400-meter freestyle-S7 ngayong umaga. Lalangoy si Gawilan sa ikalawang heat sa ganap na alas-9:07 ng umaga sa Tokyo Aquatic Centre. Ang top eight qualifiers ang uusad sa finals sa 5:00 ng hapon. Kumpiyansa si swimming coach Tony Ong na mas maganda ang ipapakita ni Gawilan matapos mabigong mag-qualify sa finals ng 400m individual medley noong Biyernes. Sa kabila nito, nakapagtala pa rin siya ng bagong Philippine record na 2:50.49 minuto.…
Read More