KAMPANYA NG OLYMPIAN PARA-ATHLETE

MAHILIG at makilahok sa sports ang mga Pinoy with disability at differently-abled. Ito ang goal ni 2000 Sydney Paralympics Powerlifting bronze medalist Adeline Dumapong-Ancheta, na patuloy sa paghikayat sa mga kababayang may kapansanan na lumaban at magtagumpay sa sports. “Ang contribution ko is to encourage them into sports, in any sport [lalo na] after kong manalo ng medal sa Paralympics. ­Nakaka-challenge talaga­ working on encouraging our people into sport,” pahayag ni ­Dumapong-Ancheta sa tuwing Huwebes na TOPS Usapang Sports on Air. Kasama niya ring dumalo sa weekly sports forum na…

Read More

GILAS READY SA RESBAK NG KOREA

Ni ANN ENCARNACION READY to go na ang Gilas Pilipinas Men sa kanilang preparasyon para sa 2023 FIBA World Cup Asia & Oceania Qualifiers. Matapos ang FIBA World Cup Draw kung saan kabilang ang national squad sa Group A kasama ang New Zealand, South Korea at India, batid na ng Gilas team kung ano-ano ang mga dapat nilang ­paghandaan. At isa na rito ay ang resbak ng Korea, ayon kay team captain Isaac Go. Magugunitang sa nakaraang 2021 FIBA Asia Cup Qualifiers final window noong Hunyo na ginanap sa bansa,…

Read More

BOXING CHAMP KULONG SA PANGMOMOLESTIYA

IKINULONG ng pulisya ang world boxing champion na si Albert Pagara kamakalawa ng gabi sa Cebu City dahil sa pangmomolestiya sa isang babaeng menor de edad. Ang kasalukuyang WBO Intercontinental Super Bantamweight champion ay nakapiit ngayon sa Pardo Police Station matapos ireklamo ng isang 14-anyos na dalagita sa Sitio Terra Dulce, Barangay Inayawan, sa nasabing lungsod. Si Pagara, 27-anyos at tubong Maasin, ­Southern Leyte ay dinampot ng pulisya bandang alas-7 ng gabi nitong Miyerkoles matapos umano’y halayin ang biktimang Grade 8 student sa Pardo National High School. Base sa salaysay…

Read More

LAST HOPE NI BEJINO

BIGO na naman maka­usad sa final round ng kanyang swimming event sa 2020 +1 Tokyo Paralympics si Pinoy ­para-swimmer Gary Bejino. Tumapos siyang pang-anim sa Heat 1 ng men’s 400m freestyle-S6 preliminaries Huwebes ng umaga sa Tokyo Aquatics Centre sa 5:52.28 minuto. Sa kabuuan ng men’s 400m freestyle-S6 ay 13th place lang si Bejino, malayo sa top 8 swimmers na umusad sa medal round. Noong Lunes ay kinapos din siya sa men’s 50m butterfly-S6 finals nang makapagtala ng 36.14 segundo at tumapos na 14th place lang overall. Samantala, may isa…

Read More

Manny Pacquiao: ‘Champion For Life’

SA kabila ng kanyang ­pagkabigong makamit na muli ang korona ng super-welterweight na binawi sa kanya ng World Boxing Association pitong buwan ang nakalilipas, balak bigyan ng nasabing organisasyon si eight-division world champion Manny Pacquiao ng karangalang “Champion for Life” sa ika-100 taong anibersaryo nito. Sa ulat ng mga foreign news service, sinabi mismo ito ni WBA president Gilberto Mendoza Jr. matapos makipagkita sa Pambansang Kamao, makaraang ­talunin ito ng Cubanong si Yordenis Ugas noong nakaraang Linggo (Sabado sa Amerika) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas. Base sa kumalat na…

Read More

OLYMPICS BRONZE MEDALIST PINOY BOXER, PUMANAW NA

SA edad na 59 ay pumanaw na si 1988 Seoul Olympics ­boxing bronze medalist at retired ­Philippine Army 2nd Lt Leo­poldo Serantes. Kumplikasyon sa chronic pulmonary disease ang ikinamatay ng dating light flyweight, ayon sa kanyang anak na si Leodelyn. Ayon kay Leodelyn, labas-pasok sa ospital ang kanyang ama simula pa nitong Enero. Labintatlong (13) beses din itong nalagyan ng tubo at na-ICU sa Veterans Memorial Hospital sa Quezon City. Kaugnay nito ay humihingi siya ng tulong para maiuwi ang labi ng kanyang ama sa kanilang bahay sa Dasmariñas, Cavite.…

Read More

EURO AT U.S. BASKETBALL PAGSASAMAHIN NG GILAS

ISASABAK ang Gilas Pilipinas Men sa United States at European basketball tournaments bilang paghahanda ng koponan sa 2023 FIBA World Cup. Ito ang plano ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) project director at head coach Tab Baldwin upang lalo pang masanay ang men’s national team sa mga international tourney. “There will probably be some tours in the US, and gigs in Europe as well,” pahayag ni Baldwin matapos ang World Cup Qualifiers Draw noong Martes ng gabi. “What we need to do right now is to identify the possible tournaments…

Read More

WEIGHTLIFTING, BOXING WELCOME SA UAAP

Ni ANN ENCARNACION BUKAS ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) na isama ang sports na weightlifting at boxing. Kasunod ito sa matagumpay na kampanya ng dalawang sports sa nagdaang 2020 +1 Tokyo Olympics kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapag-uwi ng gold medal ang Pinay weightlifter na si Hidilyn Diaz. Tatlong Olympics medals naman ang nasungkit ng national boxing team– dalawang silver mula kina Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at bronze mula kay Eumir Marcial. Bunga nito, hiniling ni Diaz at ng tatlong Pinoy boxers na maisama ang…

Read More

COACH BALDWIN EXCITED SA GAMES KONTRA KOREA, NZ

NGAYON ay alam na ng Gilas Pilipinas Men ang mga koponang makakalaban nila sa 2023 FIBA World Cup Asia & Oceania Qualifiers. At excited na si Gilas program director at head coach Tab Baldwin na kabilang ang koponan sa Group A ng 2023 World Cup Asian Qualifiers kasama ang New Zealand, Korea at India. Naganap ang ­qualifiers draw nitong Martes sa ­Patrick Baumann House of Basketball sa Mies, Switzerland. Bilang host countries, ang Pilipinas at Japan ay awtomatiko nang qualified sa World Cup. Samantalang ang ikatlong host na Indonesia ay…

Read More