OBIENA, 5th SA DIAMOND LEAGUE

SLOWLY but surely. Ganito ang ginagawa ni Pilipino pole vaulter EJ Obiena sa kanyang pagbabalik sa international competitions matapos mabigong magpodium finish sa nakaraang Tokyo Olympics. Nagkasya sa fifth place si Obiena sa ­kabuuang 10 kalahok sa Athletissima, na bahagi ng Wanda Diamond League sa Lausanne, Switzerland. Ito ang kauna-unahang torneo niya makaraan ang 11th placing sa pole vault event ng Tokyo Olympics. Nagawang talunin ni Obiena ang 5.52 meters para makisalo sa fifth place kasama sina Ethan Cormont ng France at KC Lightfoot ng United States. Nanguna sa Athletissima…

Read More

21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship NAUSOG SA MAYO 2022

MAYO 2022 na ang bagong playdate ng 21st Asian Senior Women’s Volleyball Championship sa Pampanga. Alinsunod ito sa suhestiyon ng Asian Volleyball Confederation’s (AVC), ayon sa Philippine National Volleyball ­Federation. Orihinal na nakaiskedyul ang continental tournament, na 2022 FIVB Volleyball Women’s World Championship ­qualifier, Agosto 29 hanggang ­Setyembre 5 sa Pampanga. Ngunit dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas at iba pang mga bansa sa Asya ay nakansela ito. Sumulat mismo si AVC President Rita ­Subowo kay PNVF President ­Ramon “Tats” Suzara para ilutang ang bagong schedule sa naturang…

Read More

AWC Volleyball Championship 2 TEAMS LAHOK NG PINAS

NOT one, but two ­Philippine women’s volleyball teams ang papalo sa Asian Women’s Club Volleyball Championship sa Nakhon Ratchasima, Thailand. Kinumpirma ni Philip-pine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara kahapon na dalawang national squads ang ipadadala nila sa AWC na gaganapin sa Oktubre 1 hanggang 7. Sa ngayon ay may 22-member ang nation­al pool sa ilalim nina ­women’s head coach Odjie Mamon at Brazilian consultant Jorge Edson Souza de Brito. At dahil dalawang national teams ang sasabak, kailangan pa ng apat na players para makabuo ng tig-12 miyembrong…

Read More

PH BASKETBALL GREAT PUMANAW

ISA sa itinuturing Philippine basketball greats na si Rafael ‘Paing’ Hechanova ang pumanaw na sa edad na 93. Nabatid na namatay ang dating miyembro ng ­pambansang koponan sa Asian Games at Olympics noong Huwebes. May taas lamang na 5-foot-11, si Hechanova ay naging bahagi ng Philippine basketball team sa 1952 Helsinki Olympics, at naging Asian Games gold medalist noong 1951 at 54 kasama ang kapwa basketball great at namayapa na ring si Carlos Loyzaga. Tuluyang naluklok sa ­National Basketball Hall of Fame si Hechanova noong 2000. Bago ang kanyang pagpanaw,…

Read More

DUMAMI BAHAY NI HIDILYN, 3 PANG OLYMPIC MEDALISTS

KUNG dati’y hirap makapagpundar ng bahay, ngayon ay biglang dumami ang bahay ng apat na Pilipinong medalists sa 2020+1Tokyo Olympics. Ang apat ay sina first Olympics gold medalist Hidilyn Diaz, silver medalists Nesthy Petecio at Carlo Paalam, at bronze medalist Eumir Felix Marcial. Bilang pagtupad sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte, bibigyan ng sariling bahay sa kanya-kanyang probinsya, sa tulong ng National Housing ­Authority, ang mga bagong bayani ng bansa. Sa tulong nina Philippine Sports Commission Chairman Butch Ramirez at NHA General Manager Marcelino P. Escalada Jr., agad ipagkakaloob sa…

Read More

2020+1 Tokyo Paralympics MANGLIWAN KAKARERA SA FINALS

Ni ANN ENCARNACION UMABANTE sa final round ng athletics men’s 400m T52 ng 2020 +1 Tokyo Paralympic Games si Filipino wheelchair racer Jerrold Mangliwan. Tumapos si Mangliwan sa ika-pitong pwesto ng nasabing event, sapat para umusad siya sa final round Biyernes sa Olympic Stadium-Track. Nakapagtala ang 41-year-old wheelchair racer sa men’s 400m T52 Heat 1 ng 1 minuto at 3.41 segundo. Ang top 8 sa pagtatapos ng heats ang papasok sa finals, na nakatakda 7:16 ng gabi sa nasabi ring araw. Maliban sa men’s 400m T52, lalahok din si Mangliwan…

Read More

MAY UMALIS… MAY DUMATING

Ni ANN ENCARNACION MALABONG makapaglaro sa Gilas Pilipinas Women para sa 2021 Fiba Women’s Asia Cup sa Amman, Jordan si ­Pilipina big Jack Animam. Ito’y matapos niyang tanggapin ang offer ng ­Serbian team Radnicki Kragujevac para maglaro sa 2020-21 First Women’s ­Basketball League. Inanunsyo ng Pinay at kanyang handler East West Private ang balita Lunes ng gabi via virtual press ­conference. “I’m just so happy, proud and honored that you know I’ve come this far. I just can’t thank (enough) my support group, the EWP, the people behind this,” sabi…

Read More

LILLARD MANANATILI SA PORTLAND

BALITANG NBA Ni VT ROMANO WALA pang kumpirmasyon mula kay NBA superstar Damian Lillard kung mananatili siya sa poder ng Portland Trail Blazers para sa 2021-22 season. Pero, ayon sa kakampi niyang si CJ McCollum, na siya ring bagong NBPA president, madalas silang mag-usap ni Lillard at nakahanda na umano ang player na bitbitin muli ang Blazers. “I don’t want to speak for him, but having a close relationship, him, he and I talk every day, or every other day, from sharing memes to sending videos to each other to…

Read More

PH CUP TULOY SA SETYEMBRE

PBA OUTLOOK Ni EDDIE ALINEA MATAPOS matigil ng halos isang buwan dala ng pagsasailalim sa buong Kamaynilaan sa enhanced community quarantine (ECQ), muling mapapanood ang PBA 46th Season sa unang linggo ng Setyembre. Itutuloy ang ­naunsiyaming Philippine Cup sa Bacolor, Pampanga limang araw sa isang linggo, o mula Miyerkules hanggang Linggo. Dalawang conference ang planong idaos ng liga ngayong season kaya’t dikit-dikit ang mga laro ng 12-member teams. Bukod sa dalawa o tatlong laro kada araw, isang bagong protokol ang ipatutupad ng PBA, ayon kay Commissioner Willie Marcial. “We will…

Read More