MAGKAPATID NA ZAMBOANGA LALABAN PARA SA TEAM PH

Ni ANN ENCARNACION ASAM ng magkapatid na mixed martial artists na sina Denice “The Menace” at Drex “T-Rex” Zamboanga na maging bahagi ng Team Pilipinas sa Southeast Asian Games at Asian Games. Inihayag ni Denice na nais niyang sumabak alinman sa ­wrestling o sambo, habang si Drex ay mas gusto sa kickboxing at boxing. Ang magkapatid na ­Zamboanga kasama si coach Fritz Biagtan ang panauhin sa tuwing Martes na Philippine ­Sportswriters Association (PSA) Forum. “Mas nakaka-proud po ­irepresent ang Pilipinas as a national team member,” pag-amin ni Denice, bitbit ang…

Read More

PARALYMPIANS MAY BONUS AGAD

HINDI pa nagsisimula sa kanilang kompetisyon ay may natanggap na agad na regalo ang mga Pilipinong Paralympians mula sa Tokyo Organzing Committee. Masayang ipinakita nina Team Pilipinas Paralympians Ernie Gawilan, Gary Bejino at Jerrold ­Mangliwan ang nakuha nilang limited edition ng Samsung Galaxy S21 na regalo para sa lahat ng mga kalahok sa Tokyo Olympics at Paralympics Games. Naunang dumating sa Tokyo ang tatlo kasama ang iba pang miyembro ng delegasyon habang naiwan sa bansa ang ibang kasamahan nilang officials, coaches at isang para-athlete na nagpositibo sa COVID-19 test. Kumpiyansa…

Read More

PBA APRUB NA SA PAMPANGA

Ni ANN ENCARNACION PAYAG na ang Pampanga government sa kahilingan ng Philippine Basketball Association (PBA) na maipagpatuloy ang naunsiyaming Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University sa Bacolor, nasabing probinsiya. Masayang ibinalita ni PBA Commissioner Willie Marcial na aprubado na sa pamahalaan ng Pampanga ang isinumiteng safety at health protocols ng liga para sa naudlot na All-Filipino Cup. “Okey na tayo para makapagsimula,” pahayag ni Marcial matapos makuha ang approval ni Pampanga Governor Dennis “Delta” Pineda. Sa ngayon ay hinihintay na lamang ng liga ang go-signal ng Inter-Agency Task…

Read More

MANNY PACQUIAO SA IBHOF

Ni EDDIE ALINEA   DUMATING na nga ba ang panahon para tuluyan nang isabit ni eight-division champion Manny Pacquiao ang kanyang boxing shorts matapos na siya ay supilin ng Cubanong WBA welterweight champion na si Yordenis Ugas noong Linggo (sa Maynila) sa T-Mobile Arena sa Las Vegas? Sa kanyang post-fight press conference ay nagpahayag siya ng ganito: “In the future you may not see Manny Pacquiao fight in the ring. I don’t know.” Kaya marami ang naniniwala na ramdam na rin ng Pambansang Kamao ang 27 taong mga bugbog sa…

Read More

PACQUIAO, BAYANI PARA KAY MARCIAL

BAYANI ang tingin ni 2020 +1 Tokyo Olympics bronze ­medalist Eumir Marcial kay eight-division world champion Manny Pacquiao. Ito ay matapos matalo ang 42-anyos na si Pacquiao kay WBA super world welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba noong Linggo (Manila time) sa Las Vegas. “Ever since I was a child the name Manny Pacquiao has always been the name I heard and has always been known in the field of boxing. Even until now it’s still Manny Pacquiao. Proudly! I am a Filipino! I am a boxer like you!” Dagdag…

Read More

MAGSAYO ‘MAGNIFICO’ SA KO SA MEHIKANO

NAG-IPON ng lakas at hangin si Mark “Magnifico” Magsayo upang umiskor ng 10th round knockout laban kay Julio Ceja ng Mexico sa undercard ng Pacquiao-Ugas fight. Bumagsak si Ceja sa first round mula sa straight ni Magsayo. Nakatayo ang Mexican at sinimulang targetin ang bodega ng Pinoy boxer. Pagdating sa 5th round, habang bumabato ng suntok sa katawan si Ceja, nabigwasan nito si Magsayo sa panga, bagsak ang Pinoy. Hindi nagbago ang takbo ng laban hanggang 9th round, kung saan panay ang sundot ni Ceja sa katawan ni Magsayo. Matapos…

Read More

PH PARALYMPIANS NALAGASAN AGAD

ANIM lang ang Pilipinong para-athletes na nag-qualify sa Tokyo Paralympic Games na magsisimula bukas (Agosto 31). At hindi pa man nagsisimula ang Games ay nabawasan na agad ng isang medal hopeful ang bansa nang magpositibo sa COVID-19 ang isa sa anim na Paralympians. Maliban sa atleta, nagpositibo rin sa ­virus ang ilang officials at coaches, ayon kay Philippine ­Paralympic Committee (PPC) president Mike Barredo. “It is unfortunate for us to inform the public that some officials, coaches, and a para-athlete of our Philippine delegation bound for Tokyo to participate in…

Read More

PACQUIAO NA-UPSET NI UGAS

LAS VEGAS — Umiskor ng malaking upset win si Yordenis Ugas nang talunin via unanimous decision si Manny Pacquiao, Linggo sa T-Mobile Arena rito. Bunga ng panalo, si Ugas, late substitute kay Errol Spence Jr. na nagtamo ng eye injury, ay ­naging lehitimong WBA super welterweight champion. Narito ang iskor ng tatlong hurado: Dave Moretti (116-112), Patricia Morse Jarman (115-113) at Steve Weisfeld (116-112). Nagpamalas si Ugas ng tiyaga sa pagbato ng jabs na madalas sinusundan ng kanyang kanan bilang pang-counter sa suntok ni Pacquiao sa halos kabuuan ng 12-round…

Read More

OBIENA RERESBAK SA SWITZERLAND

MATAPOS mabigong mag-podium finish sa 2020 +1 Tokyo Olympics ay sa Athletissima ­Lausanne Wanda Diamond League sa Switzerland naman sasabak si Pilipino pole vaulter EJ Obiena. Naging bangungot para sa 25-anyos na Pinoy ang kampanya niya sa katatapos lang na quadrennial Games kaya’t hangad niyang makabangon sa Wanda Diamond. At sa kanyang Instagram post kahapon ay ipinabatid ng 2019 Southeast Asian Games gold medalist ang kanyang paglahok sa torneo na nakatakda sa Agosto 26. “Season is just not over yet. Back in the field next week @athletissima Laussane DL,” anang…

Read More