HIGIT na magiging pulido ang mga polisiya para sa e-sabong kung magiging magkatuwang ang mga regulator at ang mga operator sa pagbuo nito, ayon sa opisyal ng isang gaming technology. Sa isang panayam, sinabi ni Jade Entertainment and Gaming Technologies, Inc. Chief Executive Officer Joe Pisano na nakahanda ang kanyang kompanya na makipag-ugnayan sa mga mambabatas para makatulong sa pagtugon sa panawagan ng publiko hinggil sa e-sabong. “We’re happy to work with the lawmakers. I believe there’s a lot we can contribute to help form regulations and to help drive…
Read MoreCategory: Uncategorized
Gov’t officials ng Negros Oriental, all out support kay Gov. Teves
TILA isang malaking pahiwatig na ang probinsya ng Negros Oriental ay magkakaroon ng malaki at magandang pagbabago matapos magtipon ang mga mambabatas, mga alklade at bise alkalde at ibang opisyales upang suportahan at saksihan ang oathtaking ni Governor-elect Pryde Henry Teves na ginanap ngayong araw. Sa unang pagkakataon, ramdam ng mga Negrosanon ang magandang kinabukasan na kanilang aasahan sa pamumuno ni Gov. Teves lalo pa at lahat ng alkalde ng probinsya ay todo suporta sa bagong luklok na governador ng probinsya. “Kalimutan po muna natin ang politika, magsama-sama po tayo…
Read MoreHirit na i-disqualify ng Degamo ang kapwa Degamo, inalmahan
UMALMA ang ilang libong residente sa Negros Oriental sa nabalitaan nila at kumakalat sa social media na naglalayon na i-disqualify sa Comelec o maging ‘nuisance’ candidate ang kanilang sinuportahan noong nakaraan sa pagka-gobernardor sa Negros Oriental. Kumakalat sa Negros Oriental na hiling ni incumbent Gov. Roel Degamo sa COMELEC na i-disqualify ang isang Degamo rin na naghangad din sa posisyon bilang Gobernador ng Negros Oriental upang makahabol pa ng boto laban sa nanalo bilang Gobernador na si Bayawan City Mayor Pryde Henry Teves. Tumakbo rin sa probinsya ang isang Degamo…
Read MoreNegros Rep. Teves: Palitan na ang pangalan ng NAIA
Nakatakdang maghain ng batas si Negros Oriental Rep. Arnie Teves sa pagbubukas ng 19th Congress ngayong taon. Ayon sa mambabatas, napapanahon na upang palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa tamang pangalan nito. “Dapat na po natin itama ang pangalan ng ating international airport. Akin po na ihahayag ang dapat na maging bagong pangalan nito sa sandaling ma-i-sumite ko na ito,” pahayag ni Teves na muling nanalo bilang Kongresista sa ikatlong distrito ng Negros Oriental. “Kasabay po ng aking pag-sumite ay hinihiling ko rin ang suporta ng…
Read MoreKONTRATA NG DM WENCESLAO SA PRA HINILING BUSISIIN
Dapat maalis ang anumang duda sa kasunduan sa pagitan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at ng R-1 Consortium na kinabibilangan ng DM Wenceslao Corp. para sa Central Bay construction at reclamation project Kaya naman hiniling ni Congressman Eric Pineda sa kanyang pagsusulong ng House Resolution 1611 na magkaroon ng agarang imbestigasyon sa ilalim ng Committee on Good Government and Public Accountability sa usapin ng “illegal claims” at onerous changes to the government contract. Una nang pumalag ang DM Wenceslao sa hirit na imbestigasyon ng kongresista sa pagsasabing hindi pa nga…
Read MoreNavotas Food Hub Community inendorso ang mga Tiangco
INIHAYAG kamaikailan ng Navotas Food Hub Community ang pagendorso sa kandidatura nina John Rey Tiangco bilang alkalde at Toby Tiangco bilang kinatawang sa Kongreso sa Lungsod ng Navotas dahil sa walang sawang pagsuporta nila sa mga maliliit na Negosyo sa pagkain. Ayon kay Marvin Robles na kinatawan ng Navotas Food Hub Community Page sa Facebook na may 54,000 na miyembro, binibigyan nila ng halaga ang pagtulong ng magkapatid na Tiangco sa mga maliliit na negoyanteng tulad nila. “Nakita po naming patuloy na pag-unlad ng Lungsod ng Navotas sa pamumuno nina Toby…
Read MorePneumo vax strategy pinarerepaso ng health experts
HINILING ng medical experts, sa pangunguna ng mga researcher mula sa University of the Philippines College of Public Health (UP-CPH), Southeast Asian Ministers of Education Organization Tropical Medicine and Public Health Regional Centre for Public Health, Hospital Administration, Environmental and Occupational Health (SEAMEO TROPMED Philippines), ang pagrepaso sa 10-year-old pneumonia vaccine strategy nang sa gayon ay maprotektahan ang mga bata laban sa isa sa nangungunang killer diseases para sa mga bata. Ang Philippines ay panlima sa buong mundo na may pinakamaraming pneumonia deaths. Sa isang forum kamakailan, sinabi ni UP-CPH…
Read MoreAyuda sa gitna ng pandemya: Pitmaster Foundation nagbigay ng P20-M halaga ng homecare kits
NAGBIGAY ng libo-libong COVID-19 homecare kits sa pinakamahihirap na pamilya sa Metro Manila ang Pitmaster Foundation bilang tugon nito sa gitna ng pandemya. Ang nasabing mga homecare kits na nagkakahalaga ng P20 milyon ay tumutulong sa mga pamilya na alagaan ang kanilang mga sarili o kamag-anak na COVID-positive habang nagpapagaling sa bahay. Malaking tulong ito para mabawasan ang bilang ng mga pasyente sa ospital, lalo na noong kasagsagan ng pagdami ng kaso dahil sa iba’t ibang COVID-19 variants. Ang nasabing homecare kit ay may lamang thermometer, bitamina, paracetamol, antibacterial gargle,…
Read MoreMAYOR PAREDES WANTED SA KASONG CHILD ABUSE
Naglabas ng Warrant of Arrest kamakailan si Judge Anthony B. Fama ng RTC Branch 277 ng Mandaluyong City para kay Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa kasong Child Abuse. Ayon sa abogado ng biktima, masaya ang magulang ng bata dahil bahagya ng umusad ang katarungan sa isang menor de edad na minolestiya at ginahasa umano ng isang alkalde sa lalawigan ng Cavite. “Sa kabila ng pananakot at mga bantang pagpatay sa aming pamilya ay naninindigan pa rin kami sa kasong ito dahil naniniwala pa rin kami sa…
Read More