CHINESE MILITIA VESSELS SA WPS DUMAMI PA

(BERNARD TAGUINOD)

IMBES bawasan, dinagdagan pa ng China ang kanilang militia vessels sa West Philippine Sea (WPS) at patuloy na hinahakot ang tone-toneladang isda sa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.

Ito ang nabatid kay dating Anakpawis party-list Rep. Ariel Casilao hinggil sa pagdami pa ng militia vessels ng China sa WPS ngayong buwan ng Hunyo matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte na isang uri lamang ng papel ang panalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration (PCA).

Noong Pebrero 2020, inokupahan ng may 250 Chinese vessels ang Julian Felipe Reef na nasa loob ng EEZ ng Pilipinas at dahil sa pag-iingay ng mga Filipino ay nag-disperse ang mga ito noong Marso.

“This week, the US-based geospatial intelligence firm Simularity reported that Chinese vessels increased from 129 in mid-May to 238 in mid-June,” ayon kay Casilao.

Naniniwala ang dating mambabatas na isa sa mga dahilan kaya dinagdagan ng China ang kanilang puwersa sa loob mismo ng EEZ ng Pilipinas ang tila pagbalewala ni Duterte dahil itinuring lang nitong papel na pwedeng ibasura ang panalo ng bansa sa China.

Patuloy aniyang ninanakawan ng China ng pagkain ang mga Filipino sa WPS dahil alam ng mga ito na hindi kayang ipagtanggol ni Duterte ang teritoryo ng Pilipinas.

“The ultimate solution against Chinese imperialism in the West Philippine Sea is to press Duterte to resign from his post, as he is not worthy, a real-deal puppet of a foreign power and traitor to the Filipino interest. We urge all freedom-loving Filipinos, daily condemn Duterte’s betrayal and puppetry to China,” ayon pa sa dating mambabatas.

173

Related posts

Leave a Comment