CONVENIENCE STORE SA CAVITE, HINOLDAP NG NAKA-INNOVA

CAVITE – Pinaghahanap ng mga awtoridad ang isang Toyota Innova na ginamit ng apat na kalalakihan nang holdapin ang isang convenience store sa Imus City noong Huwebes ng madaling araw.

Nakikipag-ugnayan ang pulisya sa Cavite Land Transportation Office (LTO) para sa pagkakakilanlan ng may-ari ng itim na Toyota Innova na may plakang NEB 9901, na ginamit ng apat na suspek.

Ayon sa ulat, bandang alas-4:20 ng madaling araw nang iparada ng mga suspek ang nasabing sasakyan sa harapan ng isang convenience store sa Brgy. Carsadang Bago 2, Imus City at pumasok ang tatlong suspek at nagpanggap na mga customer.

Pagkaraan ng ilang minuto, naglabas ng baril ang isa sa kanila, itinutok sa store crew na si alyas “John Christopher” at nagdeklara ng holdap saka tinangay ang P8,000 cash, company phone, vault keys isang Techno Pova na cellphone at bag na may laman na personal na gamit saka tumakas sakay ang kanilang get-away car na Toyota Innova.

Nagsasagawa ng backtracking sa CCTV ang pulisya sa dinaanan ng mga suspek sa kanilang pagtakas para madakip ang mga ito.

(SIGFRED ADSUARA)

40

Related posts

Leave a Comment