COVID CASES PWEDENG PUMALO SA 4K KADA ARAW

IMINUNGKAHI ni Senadora Imee Marcos na unahin ng administrasyong Duterte na lutasin ang “spike” ng COVID-19 dahil posibleng umakyat ito sa 4,000 kaso bawat araw ngayong 2021.

Ipinunto ni Marcos na nakatatakot ang muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 , lalo pa’t matagal pa ang planong “mass vaccination” ng pamahalaan.

Binanggit din ni Marcos ang inamin ng Department of Health (DOH) na kakapusan ng bilang ng health workers dulot ng pagtatapos sa kanilang kontrata at non-renewal ng job orders (JOs) sa mga ospital.

Isama pa ang problema sa paulit- ulit na “backlogs in reporting COVID test results,” patuloy ng senadora.

Kulang din ng mga doktor, banggit pa ni Marcos.

Nagsimulang kumilos si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19 noong kalagitnaan ng Marso 2020 kung saan nagdeklara siya ng lockdown sa National Capital Region (NCR) sa simula at agad na isinunod ang buong Luzon.

Dahil sa lockdown, o “enhanced community quarantine” (ECQ) ay bumagsak nang malaki ang gross domestic product (GDP) ng bansa.

Ang GDP ay panukat ng ekonomiya ng mga bansa. (NELSON S. BADILLA)

132

Related posts

Leave a Comment