NAKAKAPAGTAKA talaga ang mga panatikong Dilawan na parang mga lutang at retarded at hanggang ngayon ay hindi matanggap na natalo na ang manok nila na si Leni Robredo.
Sa mga post kasi nila sa FB at iba pang online platform ay madalas ang patutsada nila na peke raw ang panalo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., dahil simula raw nang matapos ang eleksyon ay tila nawala na ang mga post na patungkol sa suporta ng 31 milyon na bumoto sa kanya.
Mga kolokoy talaga ang mga lutang na supporter na ito ni Leni dahil feeling nila hanggang ngayon ay campaign period pa rin.
Palibhasa wala silang mga buhay at marami sa kanila ay walang mga trabaho kaya hanggang ngayon ay panay FB pa rin ang pinagkakaabalahan nila.
Ang hindi nila alam, ang majority sa mahigit 31 milyong bumoto kay BBM ay mga edukado, matitino at may maaayos na trabaho kaya pagkatapos ng eleksyon ay bumalik na sila sa normal na buhay at huminto na rin sila sa sobrang babad sa mga computer.
Isa pa ay hindi na rin nila kailangang mag-react pa sa mga walang kakuwenta-kuwenta at panay paninirang post ng mga Dilawan dahil nanalo na nga si BBM at hindi naman na kailangan pang magyabang.
Batid naman na ng buong mundo na kumpirmadong si BBM na ang susunod na pangulo ng bansa kaya nga kahapon lang ay apat na naman na ambassador ang dumalaw at nagbigay pugay sa kanya.
Maging ang isa sa mga kritiko ni BBM na si dating SC Justice Antonio Carpio na masasabi ko na pinakamatalino sa lahat ng lutang na supporter ni Leni, ay nag-iba na rin ang tono.
Bagama’t hindi pa siya direktang humihingi ng paumanhin kay BBM dahil sa mga paninira niyang ginawa noong kampanya, tila tinanggap naman niya ang pagkatalo ni Leni.
Sa isang statement, sinabi niya na kapuri-puri ang pahayag ni BBM na ipaglalaban niya ang tagumpay na nakamit ng bansa noong 2016 sa Permanent Court of Arbitration laban sa pag-angkin ng Beijing sa halos buong West Philippine Sea na kilala rin sa tawag na South China Sea.
“We certainly welcome this new position of Marcos Jr., which is the only correct position that any president of the Philippines can take on the West Philippine Sea issue,” sabi ni Carpio noong Sabado.
Idinagdag pa niya na “dramatic and surprising sea change on the West Philippine Sea issue” ang pahayag ni BBM.
Kaya naman siguro ay dapat na talagang tumigil na ang mga lutang na Dilawan at magising na sila sa katotohanan na tapos na ang eleksyon at may nanalo na, kaya dapat tumigil na sila sa kanilang kahibangan.
206 