DEFENSE, MARITIME ISSUES AT EKONOMIYA PANGUNAHING AGENDA SA PBBM, JAPANESE PM MEET — DFA

DEPENSA at seguridad, usaping pandagat, enerhiya at ekonomiya ang ilan sa mga pangunahing agenda sa nakatakdang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi sa Japan ngayong linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs.

Aalis si Pangulong Marcos Jr. kasama si First Lady Louise Araneta-Marcos patungong Japan sa Martes para sa state visit mula Mayo 26 hanggang 29 sa paanyaya ng pamahalaan ng Japan.

Ayon kay DFA Spokesperson Analyn Ratonel, mahalaga ang biyahe dahil pagkakataon ito upang mapalalim pa ang kooperasyon ng Pilipinas at Japan sa larangan ng maritime and defense cooperation, economic partnership, energy resilience at emerging sectors.

“Inaasahan din na mag-uusap sina Pangulong Marcos at Prime Minister Takaichi tungkol sa mga regional and global issues na nakakaapekto sa Pilipinas at Japan gaya ng ASEAN at challenges sa Indo-Pacific Region at developments in the Middle East,” ayon kay Ratonel.

Magkakaroon din ng summit meeting ang dalawang lider kung saan tatalakayin ang posibleng mga bagong kasunduan sa depensa, kalakalan, pamumuhunan at human resources development.

Nakatakda ring makipagpulong si Pangulong Marcos Jr. sa Japanese business groups at mga miyembro ng Filipino community sa Japan.

Sasalubungin din sina Pangulong Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos ng Emperor at Empress ng Japan sa Imperial Palace para sa welcome ceremony at state banquet.

Ngayong taon ay ginugunita ng Pilipinas at Japan ang ika-70 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

(CHRISTIAN DALE)

61

Related posts

Leave a Comment