Kurdapyo ni TOTO NABAJA
NATAPOS na ang isang linggong ultimatum na ibinigay ng Philippine National Police (PNP) kay Senator Ronald dela Rosa, pero “no show” pa rin si Bato.
Walang balak magbakasyon sa The Hague ang senador. Hehehe… Tumpak!
Nitong Biyernes inanunsyo ni PNP Deputy Chief for Administration P/Lt. Gen. Wilson Joseph Lopez, supervisor ng “Senator Manhunt Bato,” na next level na ang kanilang paghahanap.
Sa katunayan kumikilos na ang binuong task group ng pambansang pulisya sa lahat na rehiyon para sa dagliang ikadarakip sa senador. Aray Naku! Pakak!
Mukhang masusubok dito ang galing ni Lopez, kung sabagay ito na ang pagkakataon mo, sir, para magpakitang gilas. Ambot sa bakang biyuda.
Paldo talaga kung sino ang makapagtuturo sa kinaroroonan ni Dela Rosa dahil sa P50M na bounty at take note plus P20M pa ‘yan mula kay dating Surigao del Sur 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, kaya tumataginting na P70M sa sinomang pinagpala.
Tsk, tsk, tsk… saan naman kaya manggagaling ang P20M na iniaalok ni Barbers? Hehehe. Nagtatanong lang po.
Pero bakit nga kaya hanggang ngayon ay tila wala pa ring konkretong impormasyon sa whereabouts ni Bato sa kabila ng padagdag na padagdag na milyones na pabuya.
Kayo, mga Ka-Totong Kurdapyo at Kurdapya, kapag nakita n’yo ang senador o naispatan, ititimbre n’yo ba sa kinaukulan? Hehehe… Nagtatanong lang po uli.
Ops! Pero teka lang. Matapos ang ultimatum kay Bato, bakit may video na inilabas ang FB Page ng Bansangmoro Islamic Armed Forces (BIAF) na nandoon at naispatan ang pinaghahanap na senador.
Nakasaad pa sa kanilang post “Bawal nang pumasok ang Militar sa Kampo ng MILF nang walang pahintulot”. Ambot sa bakang Biyuda…
Agad namang nilinaw ng pulisya na ang nasabing post ay kuha pa noong 2019 sa isang assembly sa Lanao. Fake news ngani. Susmaryosep, ang social media nga naman.
Kaya mga Ka-Totong Kurdayo at Kurdapya, para hindi tayo maligaw sa katotohanan, i-follow lamang ang mga legit account ng PNP.
Ay abaw ah! Nauna nang itinanggi ng kampo ni Dela Rosa na nasa poder ng MILF ang senador. Bakit kasi ayaw n’yo maniwala.
Sa isang panayam, inamin naman ni Atty. Israelito Torreon na may protektor talaga ang senador at ‘yan ay walang iba kundi si Allah. Hallelujah!
68 