DOE NABABAHALA SA ILIGAL NA NEGOSYO NG LPG

LPG12

(NI ROSE PULGAR)

NAGPAHAYAG ng pangamba ang Department of Energy (DOE) sa natanggap na ulat na dumarami ang nag nenegosyo ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa Visayas at Mindanao gamit ang illegal refilling na nagiging dahilan ng trahedya tulad ng sunog at pagsabog ng tangke.

Kaugnay nito, nagtungo ang ilang mga opisyal ng DOE sa lalawigan ng Cebu upang alamin at pulungin ang lehitimong LPG dealers  para ipaalam ang maidudulot nitong epekto sakaling sumabog ang tangke ng LPG.

Nakipag-ugnayan na ang DOE sa mga awtoridad sa mga lalawigan upang agad na hulihin ang mga napatunayang illegal ang pagbebenta ng LPG.

Batay sa record ng DOE umaabot na sa 72 ang mga naaresto sa illegal refilling ng LPG at 42 naman dito ang nakasuhan na.

Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi na huwag tangkilikin ang mga illegal refilling ng LPG lalo na kung mura ito at hindi sumunod sa presyo ng authorized dealer ng LPG.

 

194

Related posts

Leave a Comment