PINABULAANAN ng Department of Justice (DOJ) na may natanggap itong affidavit mula kay First District Engineer Henry Alcantara na umano’y binabawi nito ang naunang salaysay kaugnay ng isyu ng kickback sa flood control projects.
Ito ay kasunod ng mga ulat na naghain umano si Alcantara ng kontra-salaysay kung saan itinanggi niya ang pagtanggap ng kickback at ang pagkakadawit sa maanomalyang proyekto.
Ayon kay DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, wala pa silang natatanggap o nare-review na anomang affidavit mula sa dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Iginiit ni Martinez na wala pang opisyal na recantation o pagbawi ng pahayag si Alcantara, written man o verbal.
“The DOJ has not received or reviewed any affidavit from Alcantara retracting his previous statements. There has been no official recantation, written or verbal,” diin niya.
Matatandaang dati nang inamin ng kontratista ang pagkakadawit sa anomalya at nagsauli umano ng mahigit P100 milyon na sinasabing kickback mula sa mga proyekto.
(JULIET PACOT)
27
