MAAARING tumuloy sa ilang hotel na pag-aari ng ALC group of companies ang mga health worker kung ang kanilang pinapasukang ospital ay malapit lamang sa naturang mga establisimyento.
Nabatid ng Saksi Ngayon na binuksan ng nasabing kumpanya ang kanilang mga hotel na nakatayo malapit sa ilang ospital para libreng matuluyan ng mga health worker na kasamang lumalaban sa giyera kontra COVID-19.
Laking pasasalamat naman ng mga frontliner kay G. Edgard Cabangon-Chua na siyang president and CEO ng ALC Group of Companies at kanilang pamilya sa pagtulong para mapagaan ang kanilang dinaranas na hirap sa araw-araw para matugunan ang pangangailangan ng mga pasyenteng kinapitan ng naturang virus.
Sa malasakit na hatid ng mga Cabangon-Chua ay mabebenepisyuhan ang ilang health workers partikular ang malalayo ang inuuwian upang magkaroon sila ng maayos na matutuluyan habang dumaranas ng krisis ang bansa dulot ng COVID-19. SAKSI NGAYON NEWS TEAM
210 