Goitia mariing ipinagtanggol ang Executive Secretary at Gabinete.
Mariing ipinagtanggol ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang Executive Secretary at Gabinete laban sa mga paratang ng katiwalian at kapabayaan. Aniya, ang mga nagbabatuhan ng sisi sa Malacañang ay kadalasan mismo ang may matagal nang kasalanan.
Binigyang-diin niya ang integridad ni Executive Secretary Lucas Bersamin, dating Chief Justice, at sinabi na ang paninirang ginawa laban sa kanya ay insulto sa tanggapan at sa mabuting pamamahala. Idinagdag ni Goitia na dapat linisin muna ng mga mambabatas ang kanilang sariling hanay bago magsagawa ng imbestigasyon.
Aniya, mahalaga ring panatilihin ang bisyon ni Pangulong Marcos Jr. para sa tapat at transparent na pamumuno, at huwag hayaang mailihis ang atensyon ng publiko.
Si Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na makabayan at sibikong organisasyon: ABKD, PADER, LIPI, at FDNY Movement.
128 