ENVIRONMENTAL POLICE LILIKHAIN

NAKATAKDANG lumikha ang Senado ng environmental police sa ilalim ng bubuuing Environmental Protection and Enforcement Bureau (EPEB) sa pangangasiwa ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang protektahan ang ating kapaligiran at natural na yaman.

Sinabi ni Senador Nancy Binay, inihain niya ang Senate Bill No. 1878 para sa paglikha ng naturang kawanihan na may environmental police alinsunod sa apela ni Secretary Roy Cimatu sa ginanap na pagdinig ng badyet ng ahensiya.

Ayon kay Binay, sakaling maisabatas ang panukala, tiyak na mapalalakas ang kapabilidad ng DENR na itaguyod ang mandato nito at malaki ang maitutulong ng panukala sa implementasyon ng protection function ng DENR dahil nakababahala ang pagtaas ng bilang ng karasahan sa sektor ng kapaligiran.

“Nakakabahala ang tumataas na kaso ng karahasan na dinaranas ng ating mga environment officer. The case of Forester Danilo Pascasio II is only the latest in a string of acts of impunity committed against those tasked with protecting our forests,” ayon kay Binay.

“I believe that this proposed measure would help protect our officers as they protect the environment, that’s why I am urging my colleagues to pass this bill at the soonest possible time,” ayon kay Binay.

Nakabase si Pascasio, isang forest management specialist, sa Aurora, na kasalukuyang nasa pagamutan matapos atakehin ng isang illegal logger na kanyang ipinadakip sa ikinasang anti-illegal timber poaching operation.

Ayon sa Global Witness, isang international environmental watchdog, 46 environment defenders ang napatay sa bansa noong 2019. Naitala ang Pilipinas bilang “pinakamapanganib na bansa” para sa environmental defenders noong 2018.

Sinabi ni Binay, napapanahong dapat kumilos na ang pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa ating naturang resources.

“Malaking bahagi ng function ng DENR ang environmental protection, ngunit hindi nila magampanan dahil sa iba’t ibang factors, pangunahin na ang kawalan ng kapasidad. We need a dedicated workforce to enforce our environmental laws—hindi na sapat ang scattergun approach. Our enforcers are outgunned, outmaneuvered, and out-resourced by the entities that violate our laws,” ayon sa senador.

Sakaling maisabatas, pagsasama-samahin at itutuhgma ang lahat ng enforcement functions na ginagawa ng DENR sa iba’t ibang kawanihan at attached agencies nito.

Lilikhain ng panukala ang isang Environmental and Natural Resources Law Enforcement Academy upang sanayin ang ENR law enforcers.

“The Academy will provide enforcers with basic and advanced training courses on environmental law enforcement. A skills enhancement program will also be included to regularly update the knowledge and upgrade the capability of ENR law enforcers,” ayon sa panukala.

Pagkatapos ng pagsasanay, papayagan silang magdala ng armas para sa field operations.

“The proposed measure would also mandate the setting up of a forensics laboratory to ensure that evidence gathered for prosecuting environmental law violators is science-based,” ayon pa sa panukala.

Bibigyan din ang DENR ng kapangyarihan na mag-isyu ng ‘cease and desist orders,’ palayasin ang sinuman at magpalabas ng ‘abatement orders,’ at pagtatanggal, pagwasak at demolisyon ng illegal structures sa loob ng prohibited areas na walang judicial order.

May kapangyarihan din ang EPEB Director-General o kinatawan nito na magpalabas ng ‘notice of violation and seizure order’.

“This legislation will help address the constraints that tie our environmental enforcers’ hands and prevent them from fulfilling their mandate. We will not be able to protect our rich resources unless we equip the DENR with the proper tools and authority to do so,” giit ni Binay. (ESTONG REYES)

322

Related posts

Leave a Comment