FLOOD CONTROL MASTER PLAN NG PNOY ADMIN SINISILIP NA

SINISILIP ng administrasyong Marcos ang Flood Management Master Plan na binuo noong panahon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, kasabay ng paghahanda ng pamahalaan na simulan ang pagpapatupad ng bagong Flood Management Plan.

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na binabalikan nila ang planong tinawag na Aquino-Singson Masterplan.

Sa ngayon, aniya, ang hawak ni Dizon ay ang bahagi ng plano para sa major river basins.

Sinabi ni Castro na wala pang nakararating sa kanila na kopya ng buong Aquino-Singson Masterplan, na sinasabing nai-turn over sa administrasyong Duterte matapos bumaba sa puwesto si Aquino.

(CHRISTIAN DALE)

59

Related posts

Leave a Comment