GINANG PATAY, 2 ANAK SUGATAN SA PAGGUHO NG BATO SA RIZAL

PATAY ang isang 37-anyos na ginang habang sugatan naman ang dalawang anak nito makaraang magulungan ng bato sa Rodriguez, Rizal.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ang ina na si Risel, sugatan naman ang dalawang anak nito na sina Jacob, 12-anyos, at Miro, 2-anyos.

Ayon sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station sa Police Regional Office 4A, nangyari ang insidente noong Linggo bandang alas-5:30 ng umaga sa Sitio Macopoy, Barangay Mascap sa Rodriguez, Rizal.

Ayon sa saksi na si Hazel, nagising sila matapos sumigaw ang kanyang ina na tila may gumuguho at pinalalabas agad sila ng bahay.

Ilang sandali lamang, biglang gumulong ang malaking bato patungo sa kanilang bahay kung saan tinamaan ang mga biktima.

Agad isinugod sa Ynares Hospital ang mga biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng attending physician ang ginang.

(TOTO NABAJA)

60

Related posts

Leave a Comment