GRANADA GINAWANG BOLA, 2 BATA PATAY 

ZAMBOANGA del Norte – Binawian ng buhay ang dalawang bata makaraang paglaruan ang napulot nilang granada nitong Huwebes ng umaga sa Dipolog City sa lalawigang ito.

Ayon sa initial report na nakarating sa himpilan ng Philippine Army, ang dalawang biktima ay may gulang na lima at walo.

Napag-alaman, naglalaro ang mga biktima sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Sicayab nang bigla na lamang may sumabog dakong alas-11:00 ng umaga.

Lumitaw sa paunang pagsisiyasat ng Dipolog City Police Station, isang rifle grenade ang pinaglaruan ng mga bata.

Sinasabing nagbabantay ang kanilang ama sa kanilang “ukay-ukay” business nang magulantang sa malakas na pagsabog sa kuwarto ng mga biktima. (JESSE KABEL)

 

192

Related posts

Leave a Comment