PDU30 IMBITADO SA PDP-LABAN AT UNITEAM RALLY

KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam.

Ito ang inihayag ni Acting Presidential spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag-uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally.

Sa katunayan ani Andanar ay mayroon nang imbitasyon ang Pangulo bagama’t wala namang nabanggit pa kung kailan at saan gagawin ang campaign rally ng dalawang kampo.

Ayon naman kay Secretary-General at Cabsec Melvin Matibag ay kanilang inaasahang magpapaunlak sa imbitasyon ang Punong Ehekutibo. (CHRISTIAN DALE)

128

Related posts

Leave a Comment