HINIKAYAT ni Senador Richard Gordon ang Department of Health (DOH) na isailalim sa lingguhang COVID-19 test ang mga doktor, nurses at iba pang health workers.
Ito aniya ay upang matiyak na mabantayan din ang kalusugan ng mga medical worker na pangunahing humaharap sa mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.
Iginiit ni Gordon na mahalaga ang papel na ginagampanan ng medical workers kaya’t dapat maipadama rin sa kanila ang tamang pangangalaga.
Samantala, pabor si Gordon na payagan ang pansamantalang operasyon ng mga POGO sa bansa upang mapagkunan ng dagdag na pondo ng gobyerno.
Subalit kinakailangan aniyang alam ng bawat lokal na pamahalaan ang lokasyon ng mga POGO at mabantayang mabuti ang kanilang operasyon.
“Malaki kasi nakukuha dyan. Eh para tayong sumusuka ng pera ngayon, walang kinikita ang gobyerno.
Ako habang wala tayong kinikita, I will not object to any proposal, pero dapat kilala natin lahat ng papasok lalo na yang mga Chinese na yan at di sila nagliligalig at dapat mahigpit tayo pag nagligalig deport agad,” diin ni Gordon.DANG SAMSON-GARCIA
182 