Hindi lang mga drug lord BIGTIME SCAMMERS BITAYIN DIN – SOLON

SUPORTADO kahit ng bishop na si House minority leader Bienvenido Abante na ibalik ang parusang kamatayans sa bansa.

Gayunpaman, hindi lamang ang mga drug lord ang nais ipabitay ni Abante, bishop ng Metropolitan Bible Baptist Church and Ministries, kundi maging ang ibang heinous crime kasama na ang mga bigtime scammer na bumibiktima sa mga ordinaryong mamamayan.

Lahat aniya ng scammers, kagagawan man ng religious leaders at iba pang sindikato ay nais niyang mabitay.

Ayon kay Abante, naniniwala ito na ang parusang kamatayan ang tanging paraan upang tumigil na ang mga tao sa paggawa ng iba’t ibang krimen tulad ng pagtutulak ng ilegal na droga.
Kung hindi umano bitayin ang mga gumawa ng karumal-dumal na krimen at bigyan ng pagkakataon ay parang binigyan din ito ng panibagong pagkakataon na gumawa muli ng krimen.

Dahil dito, sinuportahan ng mambabatas ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik na ang parusang kamatayan.

DRUG LORD LANG

Samantala, susuportahan din ni Senador Sherwin “Win” Gatchalian ang pagbabalik ng death penalty kung naka-pokus lamang ito sa bigtime drug lords at traffickers na ugat ng pagkakalat ng
droga sa buong bansa.

Sa panayam, sinabi ni Gatchalian na naghain siya ng panukala sa pagbabalik ng death penalty pero eksklusibo lamang sa drug lords.

“My reasons for that is during my time as mayor of Valenzuela, I have encountered a lot of cases wherein the drug lords are funding to protect drug syndicates, drug peddlers,” aniya.

Sa kanyang pananaw, sinabi ni Gatchalian na pinaka-ugat ng problema sa droga ay nanggagaling sa drug lord.

Pero, inamin ni Gatchalian na mahihirapan makalusot ang death penalty sa kasalukuyang sitwasyon dahil bukod sa napakahabang deliberasyon ang inaasahan, may iba pang problema ang bansa tulad ng pananalasa ng corona virus 2019 (COVID-19). (BERNARD TAGUINOD/ESTONG REYES)

145

Related posts

Leave a Comment