HOSPITAL BEDS SA COVID PATIENTS, SAPAT

TINIYAK ng Malakanyang na marami pang hospital bed ang maaaring gamitin sa mga kinakapitan ng COVID-19.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na maayos sa kabuuan ang bed capacity na inihanda ng pamahalaan para sa covid patients.

Aniya, nasa 59% pa ang bakante para sa mga nangangailangang dalhin sa ICU habang 62% ang available sa mga isolation bed.

May 72%  naman na available para sa ward beds habang pati ventilators aniya ay wala nang nakikitang kakapusan dahil nasa 81% ang availability nito.

Subalit, sinabi ni Sec. Roque na hindi naman ibig sabihin na dahil marami pa ang mga kama para sa magkakasakit ng covid ay maaari nang  magpabaya. Dapat pa rin aniyang i-obserba ang  mask, hugas at iwas. (CHRISTIAN DALE)

108

Related posts

Leave a Comment