INFO DISSEMINATION SA COVID-19 INIATANG KINA SEC. ROQUE AT USEC VERGERIE

INIUTOS ng Office of the Executive Secretary na ang information-sharing kaugnay sa COVID-19 ay centralized sa pamamagitan ng Office of the Presidential Spokesperson.

Wala namang ideya si Presidential spokesperson Harry Roque kung ano ang basehan sa bagong sistema na ito.

“Hindi ko po alam ang basehan ng decision. Pero ang sabi ko nga po nung unang tinanong ako ng isang Usec ng PCOO, eh I defer to the construction of Secretary (Karlo) Nograles on the memo,” ayon kay Sec. Roque.

Nakasaad aniya sa memo na ang tanging awtorisado na magsalita ‘on behalf of government’ ay ang Presidential Spokesperson at si DoH Usec Maria Rosario Vergeire na may kinalaman sa usaping pangkalusugan. CHRISTIAN DALE

242

Related posts

Leave a Comment