SIOPAO NAGING SIBUYAS

0

SA kabila ng dikit-dikit na operasyon kontra smuggling ng mga produktong agraryo, patuloy pa rin ang pagdagsa mula sa bansang Tsina ng mga gulay na una nang sinabi ng pamahalaang may dalang peligro sa kalusugan ng mga mamimiling Pilipino.

Sa isang spot check ng Bureau of Customs-Port of Cagayan de Oro, ang limang kargamentong una nang idineklarang “steamed buns”(siopao) ng EMV Consumer Goods Trading, tinatayang P14-milyong halaga ng sibuyas mula sa bansang Tsina pala ang laman.

Ayon sa BOC, Nobyembre 13 nang dumating ang limang container vans na idinaan sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan Subport. Bagama’t una nang idineklarang steamed buns ang nasabing kargamento, iginiit ng ng Port of Cagayan de Oro ang masusing pagsusuri makaraang makatanggap ng tip mula sa impormante sa tunay na laman ng mga nasabing containers.

Dito na tumambad ang sandamakmak na red onions na batay sa mga dokumento ay inangkat pala mula sa Tsina.

Ayon kay District Collector Elvira Cruz, bubuksan din nila para sa physical examination ang 19 pang containers (bukod sa limang container vans na nabistong sibuyas ang laman) na nakapangalan din sa naturang kumpanya.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment