SUSUPORTAHAN ng mga Manilenyo si Mayor Isko Moreno anoman ang maging desisyon nito.
Marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Moreno o Yorme sa susunod na halalan.
Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakuhan sa 2020 national and local elections, ay “all out” ang magiging suporta sa kanya ng mga taga-Maynila.
Kumpiyansa si Bagatsing na anoman ang takbuhang posisyon ni Moreno sa eleksiyon ay magiging mabuti itong public servant at magseserbisyo ito nang buo at tapat para sa ikabubuti ng mamamayan.
“Maraming options si Yorme. He is in a good spot. Dalawang taon na siyang walang tulog, nakita naming mga Manilenyo ang laban niya kontra Covid. Where he intends to go, Manila will follow,” ayon pa kay Bagatsing.
“Maraming natutuwang Manilenyo ngayon sapagkat maski na nasa gitna ng pandemya ang lungsod, tuluy-tuloy pa din ang pagbibigay ng serbisyo at lahat ng naglilingkod ay nagkakaisa,” dagdag pa ni Bagatsing.
Matatandaang maugong ngayon ang balitang hindi na tatapusin ni Moreno ang kanyang tatlong termino bilang alkalde ng Maynila at papalaot ito sa national position o sa presidential race.
Isa rin ang alkalde sa mga posibleng presidential bets na sinasabing pinagpipilian ni Pang. Rodrigo Duterte upang suportahan para sa nalalapit na halalan.
183 