KAPOS NA SUPORTA SA ILANG ASIAD DELEGATES IIMBESTIGAHAN

INIUTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang masusing imbestigasyon sa ulat na may ilang atletang Pinoy, partikular ang mga miyembro ng Alas Pilipinas men’s volleyball team, na nagkakanya-kanyang gastos para sa pagkain at iba pang pangangailangan habang nagpapatuloy ang Asian Games sa Japan.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na ayaw ni Pangulong Marcos na mahirapan ang mga atletang kumakatawan sa bansa dahil nabigo ang pamahalaan na tugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“First and foremost, this will be investigated so we can determine what our athletes and players actually experienced,” ayon kay Castro.

“The president does not want those representing our country to be the ones suffering because it appears that the government is not responding to their needs,” aniya.

Sinabi ni Castro na tutukuyin muna ng administrasyong Marcos kung ano talaga ang nangyari bago gumawa ng anomang konkretong konklusyon.

Ayon sa Palace official, aalamin sa imbestigasyon kung saan nagmula ang pagkukulang at kung tama at suportado ng katotohanan ang mga pahayag hinggil sa kakulangan sa suporta sa mga atleta.

“Those who abuse their authority, especially when there are issues involving public funds, should indeed be held accountable,” ani Castro.

“They should not think they can simply benefit from or take advantage of the situation without facing consequences,” dagdag niya.

Ang pahayag ng Malacañang ay tugon sa isiniwalat ni Alas Pilipinas men’s volleyball team captain Bryan Bagunas tungkol sa umano’y kapos na financial support para sa kanilang koponan, kabilang ang pagkakataong nagkanya-kanyang bayad ang mga atleta para sa kanilang pagkain habang nasa Asian Games.

“Of course, the support is important. Regarding our allowance, some players have even started borrowing money from their teammates or other people just to get to training or go home,” pahayag ni Bagunas.

“It’s really tough for us to train. Sometimes, only seven or eight of us are able to attend because some players can’t make it,” aniya.

Ayon kay Bagunas, ang kanilang allowance ay nagmumula sa Philippine Sports Commission (PSC), habang ang iba pang gastusin ay kinakailangan nilang sagutin mula sa sariling bulsa.

(CHRISTIAN DALE)

77

Related posts

Leave a Comment