KASALANAN BA NG COACH?

COACH-1

ROLL VTRSA kahit anong larangan ng sports partikular sa basketball at boxing, laging ang coach o trainer ang binabagsakan ng sisi sa tuwing may kabiguan.

Bakit nga ba ganoon? Ginusto ba ng coach o ng trainer na matalo ang koponan o ang kanyang boksingero?

Hindi.

Walang coach o trainer na magnanais na matalo ang kanyang koponan o ang kanyang boksingero sa anumang laban.

Ito ang aking paniniwala.

Katulad na lang nang nangyari sa UP Fighting Maroons, na sa kabila ng kanilang twice-to-beat advantage ay nilaglag sila ng UST Tigers. Resulta: UST ang makakasagupa ng Ateneo Blue Eagles sa finals ng UAAP men’s basketball tournament.

Sa pagkatalo ng UP, si Bo Perasol ang isyu ngayon. Siya pa ba ang magmamando sa team sa Season 83?

Sa kabila nang wala pa namang desisyon ang management para sa next season, may mga negatibong isyu na agad ang lumalabas.

Hindi ginusto ni coach Perasol matalo. Lalo na’t sa simula pa lang ng season ay paborito ang UP. Sabihin na nating kinapos lang talaga sila.

Sa boksing, may matandang kasabihan: manalo ka ng 10 beses ay mabangong-mabango ka, pero isang beses kang matalo, mabaho ka pa sa tae.

Siguro hindi lang sa boksing ito totoo, sa ibang sports man.

Kapag nananalo ang boksingero, aleluya ang maririnig mo. Pero, kapag natalo, kasalanan ng trainer.

Hindi magpapakahirap ang trainer na ensayuhin ang kanyang boksingero para lamang matalo.

Mas masakit sa trainer kapag natatalo ang kanyang boksingero.

Balik tayo sa basketball, sa NCAA, matapos magtala ng 18-0 sweep sa eliminations ng San Beda Red Lions at dalawang panalo na lang ay kampeon pa rin ang tropa ni coach Boyet Fernandez.

Pero, sa Game 1 noong Martes, binigo sila ng Letran Knights, 65-64. Kasalanan ba ito ni coach Boyet?

Hindi.

Kinapos lang din ang Beda.

Kahapon ang Game 2. Pag nanalo pa rin ang Letran, hindi pa rin masasabing kasalanan ni coach Boyet.

Hindi rin sapat iyon para palitan siya bilang coach.

Kung minsan (o madalas), mas maraming ‘eksperto’ kahit hindi naman nila naranasan maglaro ng basketball o lumaban sa boksing.

345

Related posts

Leave a Comment