KAWATAN NANLABAN, SUGATAN SA EX-PARAK

CAVITE – Sugatan ang isang construction worker nang barilin ng isang retiradong pulis makaraang magnakaw umano ng LPG mula sa bahay ng huli sa bayan ng Rosario sa lalawigan.

Hawak na ng Rosario Police Station ang suspek na si alyas “Referendum”, 50, ng Brgy. Pechayan 22, Noveleta, Cavite dahil sa reklamo ni Robinson Pico, isang negosyante at retiradong pulis, ng Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite.

Ayon sa kapitbahay, nakita niya ang suspek na tumangay ng isang LPG tank mula sa bahay ni Pico sa Brgy. Bagbag 1, Rosario, Cavite, ngunit nang mapansin niyang bumalik upang kumuha ng isang pang LPG, ay ipinaalam na niya ito kay Pico.

Kinompronta naman ni Pico ang suspek subalit imbes na sumuko ay tinangka nitong manlaban gamit ang isang kutsilyo dahilan upang barilin ito ng dating pulis at itinurn-over sa istasyon ng pulisya.

(SIGFRED ADSUARA)

34

Related posts

Leave a Comment