Klase, trabaho sinuspinde dahil sa Habagat WFH MODE SA NCR, ILANG LALAWIGAN

NAGPATUPAD ang Malacañang ng Work-from-Home (WFH) arrangement sa mga tanggapan ng pamahalaan at alternative learning modes sa lahat ng antas ng mga pampubliko at pribadong paaralan nitong Lunes, Agosto 10, bunsod ng inaasahang patuloy na malakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Isinagawa ito batay sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 123, na nilagdaan ni Acting Executive Secretary Ralph Recto sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., kabilang sa mga lugar na sakop ng WFH arrangement at alternative learning modes ang National Capital Region (NCR), Abra, Ilocos Sur, La Union, Benguet, Pangasinan, Zambales, Tarlac, Pampanga, Bataan, Bulacan, Rizal, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro at Oriental Mindoro.

Hindi naman saklaw ng WFH arrangement ang mga ahensyang nagbibigay ng basic at health services, gayundin ang mga sangkot sa disaster preparedness at response.

Samantala, ipinaubaya ng Malacañang sa kani-kanilang pinuno ang pagpapasya sa suspensyon ng trabaho at pagpapatupad ng alternative work arrangements sa mga pribadong kompanya at tanggapan.

(CHRISTIAN DALE)

58

Related posts

Leave a Comment