Kulto Sa Senado?

Tinawag naman ng isang militanteng mambabatas bilang “Kulto ni Duterte” ang isang grupo umano ng mga senador na nais idelay ang impeachment trial ni Duterte hanggang June 30 upang hindi na ito matuloy.

“Eto ba yung Kulto ni Duterte na mga nanalo na sa Senado?,” sagot ni ACT party-list Rep. France Castro nang tanungin ukol sa umano’y isang bloc sa Senado na nais patagalin ang impeachment complaint hanggang sa katapusan ng buwan.

Gayunpaman, hindi nabanggit kung sino-sinong senador ang bumubuo sa umano’y binuong grupo sa Senado na haharang sa proseso at pigilan na magkaroon ng paglilitis sa Pangalawang Pangulo.

“…well itong puwersa na ito mas, ang tingin ko taumbayan ang maghuhusga sa ginagawa ninyong pagdedelay at sa balakin  ninyong wag ituloy ang impeachment at proteksyunan si VP Sara Duterte,” ani Castro sa ambush interview.

Noong Pebrero aniya ay hindi itinuloy ang paglilitis kay Duterte dahil sa eleksyon at ngayon naman ay idinadahilan ang mga panukalang batas na dapat umanong ipasa muna bago ang impeachment trial.

“Pag may kasalanan dapat pinapanagot hindi pinapalusot. Nakakadismaya, nakaka-disappoint ang nangyayari sa Senado,” ani Castro.

Samantala, sinisi naman ng tinawag na Broad Coalition si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa pagkaka-delay sa impeachment trial ni Duterte kaya lalong lumalabo ang pag-asang mapanagot ito sa paglustay sa kaban ng bayan at iba pang atraso nito sa bayan.

“It has become increasingly clear that President Marcos Jr himself continues to be the main stumbling block to the impeachment trial as he has consistently expressed his opposition to the proceedings and showed disinterest in addressing systemic corruption in government. His statement about his willingness to reconcile with the Duterte’s also threatens efforts at achieving accountability,” ayon sa grupo. Ang pahayag ay nilagdaan ng 204 katao mula sa hanay ng religious leaders, academics, journalists, artists, activists at  student leaders.

(BERNARD TAGUINOD)

67

Related posts

Leave a Comment