IPINAALALA ng grupo ng mga doktor ang kahalagahan ng kaalaman sa basic lifesaving skills lalo na sa mga emerhensiya na maaaring mangyari sa loob ng tahanan ngayong Kapaskuhan.
Sa Kapihan sa Manila Bay forum, sinabi ni Dr. James Cayetano ng Bell-Kenz Pharma, na 8 sa 10 indibidwal ang namamatay sa loob ng bahay dahil hindi agad nalalapatan ng paunang lunas o first aid tulad ng CPR, sa mga biktima ng stroke.
Ayon kay Dr. Cayetano, kadalasang pagkain ang sanhi ng mga karamdaman na nauuwi sa stroke.
Ngayong holiday season na hindi maiiwasan ang masasarap na pagkain, ipinaalala ng Bell-Kenz Pharma na huwag kaligtaan ang pag-inom ng gamot o maintenance.
Sinabi naman nina Dr. Francis Marie Purino at Patrick Larraga na mahalaga rin ang regular na pag-eehersisyo, at ipinayo ng Bell-Kenz na sundin ang “Platong Pinoy” upang makontrol ang pagkain at makaiwas sa mga karamdaman.
Ayon kay Larraga, nakikipag-ugnayan sila sa ibang concerned agencies at pribadong mga grupo upang mahigpit na maipatupad ang basic training sa lifesaving skills.
(JOCELYN DOMENDEN)
54
