TINIYAK ng Palasyo na nakonsulta ang iba pang rehiyon sa bansa na nagpapatupad na rin ngayon ng Alert Level system.
Ginawa ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang pahayag dahil noong unang ipinatupad ang Alert Level system sa labas ng Metro Manila ay umalma ang League of Provinces of the Philippines (LPP) na hindi umano nakonsulta ang mga Local Government Unit.
Ayon kay Roque, nasabihan na ang mga concern LGU bago ito ipinatupad kahapon.
Base sa pinakahuling Inter-Agency Task Force (IATF) Resolution, palalawigin na ang pilot implementation ng Alert Level system sa Region III, VI, at X habang ang Baguio City naman ay ikakategorya bilang area for special monitoring. (CHRISTIAN DALE)
226 