HIGIT sa 1,000 pasyenteng dumaranas ng sakit gaya ng chronic kidney disease, diabetes, altapresyon, at iba pa ang nakatanggap ng supply ng gamot na pang tatlong buwan sa pamamagitan ng TESDAMAN Medical Caravan na ginanap sa Lungsod ng Makati ngayong Agosto 22.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng tanggapan ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.
Pinasalamatan ni Villanueva ang mga nakaagapay niya sa programa gaya ng National Center for Mental Health at Pamahalaang Lungsod ng Makati na nagsanib-puwersa para mas mabilis maiparating ang gamot sa mga benepisyaryo.
(Danny Bacolod)
96 