SINAMPAHAN nitong Biyernes sa National Police Commission o Napolcom ng kasong administratibo si dating Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Brig. Gen. Romeo Macapaz kaugnay sa pag-iimbento ng kaso laban sa whistleblower ng missing sabungeros.
Nauna nang nagsampa noong Agosto 14 ang whistleblower na si Dondon Patidongan, alyas Totoy at kapatid nitong si Elakim ng kaso sa Napolcom laban kay Macapaz.
Nag-ugat ang reklamo makaraang isangkot ni Macapaz ang magkapatid bilang mastermind sa pagkawala ng 34 na sabungero mula 2021 hanggang 2022.
Kahapon ay pormal na nagsampa ng kasong grave misconduct at conduct unbecoming of a police officer ang Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) laban kay Macapaz.
Kasalukuyang Police Regional Office 12 Director si Macapaz matapos itong i-reshuffle ng PNP nitong Hulyo 28 ngayong taon.
(TOTO NABAJA)
166 